Advertisers
NAPANATEILI ni Filipino middleweight sensation Weljon “Triggerman” Mindoro ang kanyang malinis na rekord ng dominahin ang Australian Joel “Cama KO” Camilleri at pinatigil via fourth round technical (TKO) sa undercard ng IBA Champions Night: Dubai Sabado Disyembre 7 sa Dubai, United Arab Emirates.
Hinadlangan ng corner ni Camilleri na makatanggap pa ng parosa at hinagis ang tuwalya sa fourth round, para udyukan ang referee na idiklara si Mindoro na winner by stoppage.
Ang 24-year-old Mindoro ay pinaulanan si Camilleri ng solid punches sa kaagahan ng round. At nagpakawala si Mindoro ng malakas na uppercut para muling lumuhod ang Aussie. Tinapos ang kalaban sa perpektong left-right uppercut combination para ipuwersa ang TKO at makalawit ang IBA Asian middleweight title.
Mindoro, pride ng Dumingag, Zamboanga del Sur at nag e-ensayo sa United States, nag-improved ang kanyang rekord sa 14 wins,lahat by knockout, walang talo, at isang draw.Camilleri ay nalasap ang kanyang first career defeat sa pamamagitan ng knockout.
Ang 5-foot-11 southpaw, Mindoro ay nagwagi sa Dubai, kulang isang buwan matapos itumba si Lucas de Abreau (14-5) sa third round sa Kissimmee, Florida, Nobyembre 9.
Eight-division world champion Manny Pacquiao, na pangungunahan ang International Boxing Hall of Fame 2025 inductees, ang nagkaloob ng IBA title belt kay Mindoro, na lumaban sa ilalim ng MP Promotions.