Advertisers

Advertisers

PAMPUBLIKONG SASAKYAN BA ANG TNVS?

0 2,430

Advertisers

Sa pagkakaalam ng mga kapuwa ko namamasahero ay PAMPUBLIKONG SASAKYAN o PUBLIC UTILITY VEHICLES ang mga bumubuo ng TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICES (TNVS) tulad ng MOTOR TAXI ng GRAB, MOVE IT at iba pa.., pero mali pala dahil may batas na nagsasaad na hindi kabilang ang mga ito sa pampublikong sasakyan gayung namamasahero naman sila…, ooopppsss sino o sino-sino kayang pinagpalang CONGRESSMEN ang ginamit ng mga negosyante sa pagkakasabatas patungkol sa TNVS?

Nagawa kasi nitong mga LAWMAKER na kinasangkapan ng TRANSPORT BUSINESSMEN ang pagsasabatas ng REPUBLIC ACT No. 12659 o ang “An Act Amending Commonwealth ACT no. 146 o mas kilala bilang PUBLIC SERVICE ACT as amended Section 2 (K).., na isinasaad ang, “Public Utility Vehicles (PUVs) refer to internal combustion engine vehicles that carry passengers and/or domestic cargo for a fee offering services to the public, namely trucks-for-hire, UV express service, public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs) tricycles, filcats, and taxis. PROVIDED, THAT TRANSPORT VEHICLES ACCREDITED WITH AND OPERATING THROUGH TRANSPORT NETWORK CORPORATIONS SHALL NOT BE CONSIDERED AS PUBLIC UTILITY VEHICLES.

Naku.., hindi pala PUVs ang TNVS..,paano kaya naipasa ito sa CONGRESS at sino ang nagpanukala na hindi PUVs ang TNVS kaya nagamit itong depensa ng TRANSPORT NETWORK VEHICLE COMPANIES (TNVC) sa hindi nila pagbibigay ng 20% FARE DISCOUNT sa mga special privilege passengers.., eh app lang daw sila at hindi operator ng TNVS?



Kamakailan lang ay nagkaroon ng public hearing ang SENATE tungkol sa mga TRANSPORT NETWORK VEHICLE COMPANIES (TNVC) at
TNVS dahil sa mga reklamong naidudulog sa kanilang mga tanggapan mula sa “kuto” na ‘di umano ay nakukuha sa paggamit ng helmet sa motorcycle taxis hanggang sa sino ang dapat magbigay ng mga PASSENGER DISCOUNT sa Senior/Student/PWD e ang TNVC ba o operator/driver ng TNVS?

Mga ka-ARYA.., sa pagpupunto ni LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION (LCSP) ATTY. ARIEL INTON ay isinasaad nito ang Section 4 section 13 (d) na.., Public Utility refers to a PUBLIC SERVICE that operates, manages or controls FOR PUBLIC USE ANY OF THE FOLLOWING (6) Public Utility Vehicles.., so since TNVS ay hindi PUVs pero engaged pa rin sila sa PUBLIC SERVICE OF PROVIDING TRANSPORTATION ay maari pa rin silang ma-classify as public service as a public utility pero may prosesong dapat sundin na ayon kay ATTY. INTON ay ang Sec. 4 (e) UPON THE RECOMMENDATION OF THE NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY (NEDA), THE PRESIDENT MAY RECOMMEND TO CONGRESS THE CLASSIFICATION OF A PUBLIC SERVICE AS A PUBLIC UTILITY.

Maige na lang may ganitong provision ang batas para i-regulate pa rin ng LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) ang mga TNVC at TNVS dahil isinasaad na ang lahat ng PUBLIC SERVICES kabilang na ang mga nasa klasipikasyong public utilities sa isinasaad ng batas ay kailangang ma-regulate at ma-supervise ng mga kinauukulang ADMINISTRATIVE AGENCIES

“A public service which is not classified as a public utility under this Act shall be considered a business affected with public interest for purposes of Sections 17 and 18 of Article XII of the Constitution.., e parang pinaikot- ikot pa samantalang mas malinaw kung ang TNVS ay KLARONG IDAGDAG na PUV para hindi na kailangan na dumaan sa mahabang proseso,” pagpupunto ni ATTY. INTON.

Sa mga MAMBABATAS natin ngayon ay dapat na pag-ukulan nila ngayon kung sino kayang pinagpalang CONGRESSMAN ang nagpanukala na…, “provided, that the transport vehicles accredited with and operating through transport network corporations SHALL NOT BE CONSIDERED AS PUBLIC UTILITY VEHICLES?



Dapat ay kumilos na ngayon ang tanggapan ni LTFRB CHAIRMAN GUADIZ III para maiklaro kung sino ang so-shoulder sa pagbibigay ng FARE DISCOUNT sa mga pasaherona itinatakda ng ating batas.., ang TNVS ba o ang TNVC?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.