Advertisers

Advertisers

LAGUNA PNP AT BIñAN CITY MAYOR, INUTIL VS ILLEGAL GAMBLING

0 22

Advertisers

LUMALABAS na walang silbi ang batas laban sa illegal gambling dahil mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 ay wala pang naipakukulong na mga gambling operator/lord sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling lords at mga protector ng mga ito sa gobyerno, ay wala pang nakukulong kahit lantad na lantad ang pagpapasugal sa bansa lalo na sa CALABARZON partikular na ang probinsiyang kinakatawan ni Fernandez tulad ng Laguna kung saan lantad gabi-gabi ang talamak na sugal na “color games at drop ball” na ginagamit bilang front ay Peryahan na matatagpuan sa may Biñan Elementary School ng Barangay Sto Dominggo, Barangay Sto Thomas at Barangay Timbao Biñan, Laguna ng isang Judith na diumanoy bigtime na gambling operator na bukod sa nasabing siyudad meron din mga nakalatag na sugal sa may Tram Plaza Balibago at sa paligid ng Victory Central Mall ng Santa Rosa City, Laguna.

“Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic Act (RA) 9287, ang tanong sa PNP (Philippine National Police) at NBI (National Bureau of Immigration), meron na ba tayong naparusahan sa batas na ito na itinaas na natin ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling meron na ba tayong naipakulong?” tanong ni Fernandez.



Ipinaliwanag din ng Kongresista na base sa nasabing batas na pinirmahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Abril 2, 2024, ang mga mananaya ay maaaring maipakulong ng hanggang tatlong buwan habang 10 taong pagkabilanggo sa mga kolektor.

Walong taong pagkabilanggo naman sa mga staff ng mga gambling operation at kukumpiskahin ang bahay, gusali, sasakyan na ginagamit sa operasyon ng ilegal na sugal.

Makukulong naman ng hanggang 12 taon ang maintainer, manager at operator ng ilegal na pasugalan; hanggang 14 taon naman sa mga financier at kapitalista at 20 taon sa kanilang mga protector sa gobyerno.

Kapag public official’s aniya, elected man o appointed, ay tatanggalin sa puwesto at hindi na papayagang pumasok sa public service.

Gayunpaman, dalawang dekada na aniya ang nasabing batas ngunit wala pang gambling lords/operators na naipakukulong sa kabila ng pag-amyenda sa PD 1602 na nagtaas ng parusa sa mga sangkot sa ilegal na sugal.



Sa manifestation naman ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, nais nito na hindi lamang ang mga ilegal na sugal sa CALABARZON ang dapat imbestigahan kundi sa buong bansa kaya ipinatawag nito ang lahat ng regional director ng PNP para sa nasabing imbestigasyon.

Lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagsusugal o pagtaya gamit ang pera ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.

Kaya marapat lamang na kumilos si Philippine National Police (PNP) Chief, Rommel Francisco Marbil at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at paimbestigahan nila ang paglapastangan at pambabastos sa PD 1602 at RA 9287.

Ayon sa sumbong mismong mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala at bumababoy sa batas na ito.

Nakapagtataka rin ang pagsawalang kibo at pananahimik dito ni Mayor Arman Dimaguisa, Vice Mayor Angelo “Gel” Alonte at Biñan City Chief of Police PLtCol Jonathan Robert Rongavilla, maging sina CIDG-CALABARZON PCol. Geovanny Sibalo, Laguna Provincial Director PCol Gauvin Mel Y. Unos at CALABARZON Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas.
Sa kabila naman ng mga ginagawang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety laban sa iligal na sugal, ay nananatili parin ang presensiya ng lantarang sugal sa hurisdiksyon ng mga nabanggit na opisyal ng gobyerno.

Batay sa sumbong na ipinarating sa pitak na ito ng ilang concerned citizen, tila nagiging kontrabida umano sa PD 1602 at RA 9287 ang mga nabanggit na opisyal dahil sa pangungunsinti ng mga ito sa magdamagang sugal.

Naniniwala din ang ilang sektor na bumabatikos dito na hindi matutuldukan ng kapulisan ang talamak na sugal dahil ipinagmamalaki umano ng bigtime na gambling operator na alyas Judith na kasangga niya lahat ng mga opisyal sa CALABARZON at Camp Crame maging sina Mayor at Vice Mayor?

Samantala bukod sa hayagan at lantad na presensya ng iligal na sugal sa CALABARZON ay hindi rin umano nagpapahuli ang dinudumog na “color games at drop ball” sa kahabaan ng Banawe St. corner Retiro St. Laloma QC. Ayon sa reklamo hindi lamang litson sa laloma ang pinagkakaguluhan ngayon kundi ang gabi-gabing sugalan.

Ang tanong, ay kung paano ito nakakalusot kina QCPD Director PBGen Melecio Buslig Jr. at Laloma Station 1 Commander PLtCol Ferdinand Casiano?

Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.