Advertisers

Advertisers

Moro-morong raid ng BoC

0 17

Advertisers

NATATAWA at napapailing nalang ako sa mga ginagawang pagsasalakay ng mga taga-Bureau of Customs sa mga peke at smuggled products/goods sa mga tindahan at warehouses.

Mga tanga lamang ang bibilib sa mga ginagawang ito na kaliwa’t kanang raid kuno ng mga intel ng Customs. Bakit? Aba’y saan ba dumaan ang mga sinasabi nilang peke at smuggled na mga produktong ito, ‘di ba sa kanilang pintuan din? So, paano nakalabas at nakarating ng warehouses at tindahan ang mga puslit na produktong ito? Surely, pinalusot nila dahil naglagay sa kanila. Repeat, PINALUSOT! NAGLAGAY!

Say n’yo, Commissioner Bienvenido Y. Rubio?



At kaya lang naman kumikilos ngayon itong mga operatiba ng BoC bunsod ng naging pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na habulin ang mga smuggler dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Iniipit o itinatago raw kasi ng mga negosyanteng smuggler ang kanilang mga produkto para tumaas ang presyo sa merkado.

Ang pag-raid naman sa mga tindahan ng mga peke kuno na mga sikat na produktong sapatos at damit ay dahil daw sa reklamo ng mga kumpanya ng original brand.

Ang lahat ng kontrabandong ito ay hindi makakarating ng warehouses lalo sa mga tindahan kung sa bakuran ng Customs palang ay hinarang ko kinumpiska na ang mga ito! Tama ba ako, Comm. Rubio?

Kaya yang mga ginagawang pagsasalakay ngayon ng mga taga-Customs ay moro-moro lang, panakip butas sa talamak na lagayan/korapsyon sa ahensiya. Ito ang dapat isunod ng House Quad Committee. Mismo!

***



Isang “malaking kasinungalingan” daw ang rekomendasyin ng House Quad Committee na kasuhan ng ‘Crimes Agaunst Humanity’ sina dating Pangulo Rodrigo Duterte, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Bong Go at ilan pang dating opisyal ng nakaraang administrasyon dahil sa pagkamatay ng libu-libong katao sa ‘war on drugs’.

“Isa itong malaking kasinungalingan. Hindi namin matatanggap na ang aming chairman na si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ay mai-involve sa ganitong kaso, na sinasabi nila, na kasama pa sina Sen. Bato at Sen. Go,” pahayag ni Sen. Robin Padilla.

Hmmm…obsviosly hindi nagre-research itong si Sen. Robinhood, “bobo” kasi, sabi ni senatoriable Atty. Luke Espiritu sa kanyang vlog. Hehehe…

Kung maaalala n’yo, mga pare’t mare, ipinangalandakan noon ni Duterte na isa siyang mamamatay-tao:

“Nagtataka ako, ang Justice Department hindi pa nag-file ng kaso hanggang ngayon. Matagal na akong pumapatay ng tao, hanggang ngayon hindi pa sila naka-file ng kaso,” sinabi niya Oktubre 28, 2024.

Si Duterte na mismo ang naglalagay sa kanyang sarili sa kapahamakan dahil sa kanyang kahambugan.

Sina Duterte ay nahaharap na sa ‘Crime Against Humanity’ sa International Criminal Court (ICC).

Sabi ni ex-Sen. Antonio Trillanes, early 2025 ay maglalabas na ng arrest warrant ang ICC laban sa dating pangulo at kanyang mga “aso” sa kanilang pekeng war on drugs. Abangan!