10K na residente ng Dist. 3, pinamaskuhan ng MCBO
Advertisers
MAY kabuuang 10,000 na mga residente ng mahigit 120 Barangays mula sa ikatlong distrito ng Maynila ang nakatanggap ng Pamasko mula sa Manila Chinatown Barangay Organization o MCBO nitong Lunes, Dec. 23, 2024 sa Plaza Lorenzo Ruiz, Binondo, Manila.
Sinabi ni MCBO President at Asenso Manileño candidate for Councilor sa Dist 3 na si Chairman Jefferson Lau na ang 10, recipient ng Pamaskong Handog ay pawang mga residente ng ikatlong distrito kung saan kabilang ang mga guro, kawani ng City Hall, ospital, public schools, DPS, daycare center, DPS, MTPB at kapulisan.
Tig-5 kgs ng bigas ang ipinamahagi ni Ch. Lau sa mga nabanggit na recipients kung saan kasama rin niya sa pagdi-distribute ang kinatawan ng Juan Pinoy Party List, opisyal ng iba’t-ibang organization sa Manila Chinatown.
Nabatid kay Ch. Lau na kabilang na original choice ni Mayor Honey Lacuna para sa unbeatable line-up ng Asenso Manileño, na ang bigas na ipinamahagi ay mula sa donasyon ng iba’t-ibang organisasyon sa Manila Chinatown na kinabibilangan ng Philippine Chinese Commerce and Industry Overseas Association Inc (PCCIOAI), Overseas Chinese Alumni Assn of the Philippines (OCAAP), Chairman Should B. Loo Wing Lai Chun Charity Foundation, Goddess Rice Center, FFCCCI at Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.
Bago nagsimula ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga recipient ay nagkaroon muna ng photo shoots ang mga opisyal ng iba’t-ibang organisasyon kasama si Ch. Lau gayundin ang mga recipients habang timatanggap ng Pamaskong Handog. (ANDI GARCIA)