Advertisers
IBINIDA ng Bureau of Fire Protection (BFP) na mas ligtas na ang pagsalubong ng mga Pilipino sa Bagong Taon dahil sa mga patakarang inilatag kasama ang mga lokal na pamahalaan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, ipinaliwanag ni BFP Spokesperson F/SSupt. Analee Atienza na ito’y bunsod ng pagtatalaga ng mga community fireworks display areas.
Ayon kay Atienza, ang pagbabago sa paraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon ay nagbibigay ng mas ligtas na alternatibo.
Aniya, marami na ring mga Pinoy ang mas nag-e-enjoy na lang sa videoke, paggamit ng torotot, o iyong sinaunang paraan ng pagpapaingay tulad ng paggamit ng mga kaserola at kaldero.
Bukod dito, sinabi rin ni Atienza na dumarami na ang mga lokalidad na nag-oorganisa ng musical festivities at countdown events, kung saan kasama rito ang fireworks display na binabantayan ng BFP upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. (Gilbert Perdez)