Advertisers
WALA pa ring talo ang rising chess player na si Nika Juris Nicolas matapos walisin ang lahat ng kanyang laban at lumutang na champion sa 35th International Chess Festival sa Galaxy Hotel sa Krakow, Poland ngayong weekend.
Nicolas, na Grade 7 student sa Victory Christian International School sa Pasig City, ang nangibabaw sa Open under 1800 category na may anim na panalo at one draw para magtapos na may 6.5 points para sa trophy.
Nadagdagan ang kanyang FIDE rating ng 86 points.
Ang kanyang tagumpay ay nagmula sa lokal bets Kacper Mi¹so at Mateusz Waszkiewicz, at Ukraine’s Artem Sokolvak sa first three rounds, bago makamit ang fourth-round draw laban sa isa pang Polish rival Filip Korda.
Dinomina nya ang Pambato ng Poland Arkadiusz Piwowarczyk, Nikita Alexeev at Ukraine Ali Asgarzada ng Azerbaijan sa sumunod na rounds.
Local bets Rafal Skalny at Korda nagkasya sa second at third places na may parehong 5.5points.