Advertisers

Advertisers

MGA ISYU SA HALALAN NG 2025

0 3,190

Advertisers

MARAPAT na ibalik sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa Senado. Subok natin sila bilang mambabatas. Si Bam Aquino ang pangunahing may-akda sa Senado ng batas na nagtatakda ng libreng edukasyon sa kolehiyo. Subok si Kiko bilang pangunahing mambabatas na nagsusulong ng pananakahan sa bansa.

Ihalal rin si Heidi Mendoza, France Castro, Teddy Casino, at Arlene Brosas sa Senado. Sigurado tayo sa kanila imbes na ang mga kandidatong kasapi ng malalaking pamilyang pulitikal. Wala silang matinong naiambag sa bansa.

***



PANGUNAHING isyu ang pananatili ng mga pamilyang pulitikal, o political dynasty, sa halalan ng 2025. Mararamdaman ang matinding galit ng sambayanan sa mga naglipanang pamilyang pulitikal sa bansa.

Revilla sa Cavite, Binay-Campos sa Makati City, Villar-Aguilar sa Las Piñas City, Cayetano sa Taguig City, Pineda sa Pampanga, Singson sa Ilocos Sur, Garcia sa Cebu, Romualdez sa Leyte, Ampatuan sa Maguindanao, Ejercito-Estrada sa San Juan City, Yap ng Tarlac, Lagman sa Albay, Ynares ng Rizal, Zubiri ng Bukidnon, Romualdo ng Camiguin – sila ang ilan sa mahigit na 200 pamilya na naghahari sa bansa. Isama pa natin ang mga Duterte ng Davao City at Marcos ng Ilocos Norte, ang dalawang pinakamalaking pamilya sa bansa.

Ayon sa opisyal na dato, naghahari ang mga dinastiyang pulitikal sa sampung pinakamahirap na lalawigan ng bansa. Hindi ibinabahagi ng mga pamilyang pulitikal ang poder sa mga lalawigan. Bagkus nanatili sa kanilang kamay ang pag-ugit sa pamahalaan.

Ibinibintang sa mga pamilyang pulitikal ang malawakang korapsyon sa bansa. Nawawala ang malaking bahagi ng kaban ng bayan sa mga pamilyang pulitikal. Hindi biro ang bintang na ang mga malalaking pamilya ang kumokontrol sa salapi ng bayan.

Kinakatawan ng mga dinastiyang politikal ang mabagal na pagsulong ng kaunlaran ng bansa. Sila ang sinisisi sa kawalan ng pagsulong ng bansa sa larangan ng kabuhayan at pamamahala sa bansa. Sila ang sanhi ng pagkapilay ng sistemang demokratiko sa bansa.



Ang panawagan ay huwag ihalal ang mga kasapi ng malalaking pamilyang politikal sa bansa. Hanggang maaari, ihalal ang ibang kandidato maliban sa mga galing sa dinastiyang pulitikal. Sa Senado, huwag ihalal si Bong Revilla, Abby Binay, Camille Villar, at kahit si Lito Lapid.

***

MATUNOG ang pangkalahatang layunin: Duterte Free Philippines 2025. Sa maikli, sipain ang mga Duterte at mga alipures sa anuman impluwensya sa bansa sa 2025. Tanggalin sa puwesto si Misfit Sara sa pamamagitan ng prosesong impeachment sa taong ito.

Nahaharap sa tatlong reklamong impeachment si Misfit Sara kaugnay sa pagdambong umano sa P612-M na confidential fund ng OVP at Deped noong siya ang kalihim. Huwag ihalal muli sina Bato dela Rosa at Bong Go bilang mga senador at sipain tuluyan si Gongdi, Baste, at Polong palabas sa Davao City.

Hindi namin alam kung makakaahon ang mga Duterte sa itinakdang layunin ng kanilang mga kalaban sa pulitika. Hindi normal ang pag-iisip ng mga Duterte at natural lang na sirain sila.

****

MGA PILING SALITA: “I agree to ‘No to political dynasty!!’ Before they control us, let’s control them. They are swarming in the executive, legislative and in the judicial branches of the government. They’re even in the local branches including the barangays and the homeowners’ associations of subdivisions.” – Teresita Carullo, netizen

“Duterte acolytes, who don’t believe the visa and travel ban to the U.S. under the Magnitsky Law and the expanded Global Magnitsky Law , should test the ban by trying to enter the U.S. and member-states of the European Union. Hence, the likes of Titi Sotto, Manny Pacquiao, Bato, Bong Go, Jose Calida, and other skeptics should try using their issued visas and see for themselves their current situation. They could gloat to their hearts’ content, if and when they could enter without hassles. At the moment, they should shut up instead of expressing their opinions, which are contrary to news reports. Tingnan natin ang kanilang tikas at gilas… – at tapang kung may natitira pa… “ – PL, netizen, kritiko

“Sara Duterte behaves like a troll herself – a person who intentionally antagonizes others with inflammatory, irrelevant or offensive comments. By being provocative with deceit, she probably sees herself in the Machiavellian mold of her autocrat father.” – Leisbeth Recto, netizen, critic

“That the usual style of Inferior Davao. They are so inferior in thoughts, in words, and in deeds. Matulis ang dila pero mapurol ang diwa. Hanggang satsat. Hindi sila dapat binibigyan ng platform. Sumasakay lang ang mga hayop na iyan.” – PL, netizen, kritiko