Advertisers
Hindi napunta sa wala ang dugo’t pawis na itinaya ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Acting Director, PCOL Melecio M Buslig, Jr, para matiyak ang seguridad ng milyong QCitizens sa selebrasyon para sa pagsalubong sa Bagong Taon ‘2025’ makaraang maituturing na ‘generally peaceful’ ang okasyon at walang naitalang anoman pangyayaring malakihang insidente o krimen.
Ang matagumpay na selebrasyon ay bunga ng strategic deployment ng mga pulis sa mga lasangan at high-traffic areas sa lungsod, tulad ng transportation hubs, markets, malls, business establishments, mga simbahan/churches.
Naging mapayapa at nalagay naman sa tiyak na kaligtasan ang milyong QCitizens, ito ay dahil sa proteksyon na ipinagkaloob ng QCPD kung saan umaabot sa 1,200 pulis ang ikinalat sa mga nabanggit na lugar. Katuwang din ng QCPD sa pagbigay seguridad ay ang 2,203 force multipliers.
Bukod dito, nagbunga din ang pinaigting na kampanya ng QCPD laban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na puputok at pyrotechnics – istritong ipinairal ni Col. Buslig Jr. ang batas kaugnay dito na pinaniniwalaang isa sa kinatakutan ng mga nais gumamit.
Sino nga ba naman ang may gustong makulong sa Bagong Taon?
“We extend our gratitude to our QCPD personnel, the support of the Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) headed by our beloved City Mayor Hon. Josefina “Joy” Belmonte, force multipliers, and other stakeholders who collaborated with the QCPD for their dedicated efforts in ensuring the success of Ligtas Salubong 2025. As a result, no untoward incidents occurred, ensuring the celebrations of our QCitizens remained uninterrupted,” pahayag PCOL Buslig, Jr.
Dahil sa pagtiyak ng QCPD sa seguridad ng milyong QCitizens, pinuri ni QC Mayor Joy Belmonte ang pulisya lalo na sa ginawang selebrasyon na pagsalubong sa bagong taon ‘Ligtas Salubong 2025’ kung saan ang QC police force ay naging masigasig sa pagpapatrolya at pagmamanman sa buong lungsod.
Salamat PCol. Buslig Jr., salamat sa bumubuo ng QCPD… saludo ang milyong QCitizens sa seguridad na ipinamalas niyo sa kanila – hindi lamang sa pagsalubong ng Bagong Taon ‘2025’ kung hindi sa kabuong ng selebrasyon ng Kapaskuhan.