Advertisers

Advertisers

LAMBATIN ANG SCAMMER NI VILLASIN ET AL

0 53

Advertisers

NAGLIPANA na ang mga kampon ng demonyo sa mundo.

Cyber criminals are running berserk at kahit sino na lang ang tamaan, masagasaan at maperwisyo ang kabuhayan ninuman ay sige lang.

Binigyan ni ‘Taning ng masamang talento ang mga kriminal sa mundo ng cyber upang mang-hack ng account ng mga inosenteng biktima para magamit na pang-scam sa susunod na biktimang hihingan ng pera na emergency ang modus kaya mistulang naengkanto na magsesend agad ang victim thru g-cash front ang na-hack na account.Pag nahimasmasan ang victim ay saka lang niya malalaman na na-iscam siya nang ganun na lang.



Ganito ang nangyari sa ating ka-isport na si US-based at chess enthusiast/patron Jessie Villasin.

Nagmessage kay Villasin ang isang pamilyar na account ng nagngangalang Allan na isang pro chess player na umuutang ng dose mil dahil emergency at nangakong ibabalik ang pera asap.

Sa takbo ng kanilang chat ay nakumbinse ang based sa Seattle na si Ka Jessie kaya walang abog ay naisend ang halaga sa gcash.

Nang kanyang i-confirm na sent na ang pera, sinabihan niya ang Allan na tawagan siya kung received na ang pinadala niya.

Sagot ng kolokoy ay wala daw siyang load at papunta siya hospital.



Doon na nagduda si Villasin.Knowing the parsonality ng isang kaisport na si Allan Cantonjos na isang pro chess player ng Philippine Army mula Misamis , di ito mawawalan ng pera lalo na ang simpleng load lang.

Napagtanto niya na nabiktima na siya ng demonyong iskamer kaya binalaan na ni Jessiè ang kampon ni ‘Taning na ipalalambat siya sa otoridad. Seryoso si sports godfather Villasin na tutugisin ang salarin at handa siyang maglaan ng panahon at resources masa7ote lang ang animal na scammer.

Kung me talento siya sa pang-hack ay mas matalino ang otoridad ng cyber para ma-trace ang lintek para matuldukan na ang paghahasik ng lagim sa cyberworld.

May lead na nga mismo si Ka-Jessie dahil may blunder si scammer na kanyang numero sa account at asahan nang malalambat ang hacker anytime through long arms of the law. ‘You can run but you can’t hide’ ayon kay victim Villasin.

Ang demonyong scammer, marami na palang nabiktima na gamit ang account ng na-hack na maraming kaibigan partikular sa chess community kaya winawarningan ng korner na ito ang kinauukulan na huwag kumagat sa pain ng predator na scammer lalo na pag hihingi ng pera.

At this juncture gumagawa na ng mabilis na hakbang ang cyber aùthorities upang malambat na ang mangugulimbat na kriminal sa cyberworld.Kaya humanda ka Renz..makakaloko ka ng once, twice,thrice but not all the time.No perfect crime

BLUNDER mo ang iyong number.ABANGAN!!!

Lowcut:Paalala ni kaisport Jessie sa kinauukulan,If you are a friend of Allan Cantonjos, erase àll your messenger messages.Make yourself private para di makita mga likes mo, friends at followers.

Ayon naman kay PAF chess team coach NM Llavanes,kilala niya nang husto si Cantonjos, retired PAF siya at financially stable na ngaýon ay isa nang negosyante kàya malayong mamerwisyo siya ng kapwa.

Panawagan naman ni Cantonjos sa madla: “ Sa mga kaibigan ko, ka-trabaho, mga kamag-anak at kapamilya,kung sino man ang nabiktima o òakapagbigay ng pera o nang-scam gamit ang na-hack kong account,paumanhin po sa inyong lahat, hindi ko kagustuhan ang mga nangyari, biktima rin lang po ako at hindi ako yun.Na-hack po ang account ko.”