Advertisers

Advertisers

Asong ulol

0 1,217

Advertisers

BUMUBULA ang bibig sa galit ni Rodrigo Duterte nang humarap siya sa publiko sa lingguhang paglabas sa telebisyon. Tinawag si Trillanes na “tae ng aso.” Hindi maiwasan na biruin si Bayan Muna Party List Rep. Carlos Zarate na hindi na siya nag-iisa. Naunang nilait si Zarate at tinawag ng ganyang nakapanliliit na taguri.

Hindi nagustuhan ni Duterte ang patutsada ni Trillanes na “nangangatog siya sa takot” dahil hindi isinara ng Office of the Prosecutor of the International Criminal Court ang pagsisiyasat batay sa isinampang habla na “crimes of humanity” sa tila bangag na lider at ilang alipures. “Hindi ako natatakot,” ani Duterte, kahit ipinipilit na hindi siya umano nagbigay ng order upang ipapapatay ang mga taong kasangkot umano sa ilegal na droga.

Isinumite ni Trillanes at Gary Alejano sa ICC noong 2018 ang “communications” na nagtataglay ng mga detalye ng inihasik na lagim ng gobyernong Duterte sa madugo ngunit bigong digmaan kontra droga. Nakatakda sana ibigay ng ICC ang final report sa isinasagawang preliminary investigation, ngunit hindi natapos dahil sa pandemya. Naglabas pa rin ng ulat si Fatou Bensouda, hepe ng ICC Office of the Prosecutor.



Nilinaw ni Bensouda na may “reasonable basis” ang sakdal na crimes against humanity laban kay Duterte. Ito ang batayan ni Trillanes sa kanyang kantiyaw kay Duterte. Sa harap ng TV, sinisi ni Duterte ang mga pulis na nagpapatupad ng kanyang giyera kontra droga at nagsabing hindi niya order mga “salvage” ng mga suspect.

Mistulang ibon na nabali ang pakpak ni Duterte. Alam niya na sumisikip ang kanyang mundo. Wala siyang maasahan sa kanyang mga alipures. Hindi siya maipagtatanggol ng mga katulad ni Harry Roque at Sal Panelo na walang stature anuman para humarap sa ICC kung sakaling tuluyang magbunga ang sakdal laban kay Duterte. Magaling lamang sa pagbibigay daan sa mga fake news ng gobyerno sina Roque at Panelo. Pinagtatawanan sila ng kanilang kapuwa manananggol sa komunidad ng mga abogado.

Mukhang nararamdaman ni Duterte na tali ang kanyang mga kamay. Hindi na siya makagalaw katulad ng dati. Hindi niya magawa ang kanyang nais. Nagmukha na siyang pinilaw na bibi (lameduck). Kaya nauuwi lamang sa pagmumura at panlalait ang kanyang mga sagot sa hablang inihain sa kanya sa ICC.

Mukhang alam niya ang kapalaran na naghihintay sa kanya. “Eh, di kulong kung makukulong,” aniya sa harap ng telebisyon. Samantala, tinatawanan lamang siya ni Trillanes at sampu ng kanyang mga kapanalig sa Samahang Magdalo. Sa ganang kanila, mistulang nanalo na sila sa laban lalo na ngayon kinakabahan si Duterte sa anumang kapalaran niya sa ICC. Wala na rin bago sa kanyang lingguhang pagmumura at panlilibak sa mga taong kumokontra sa kanya. Maasim na sa sambayanan ang kanyang asta.

***



MUKHANG hindi mangyayari ang ipinagmamagaling ni Duterte noong Agosto at Septiyembre. Mukhang walang makukuhang bakuna ang gobyerrno ni Duterte sa 2021. Sa maikli, mukhang walang libreng bakunang bayan sa susunod na taon habang patuloy ang hagupit ng pandemya. Sa maikli, drowing lang ang pangako ni Duterte.

Hindi gumawa ng anumang plano, programa, o target ang kanyang gobyerno upang bakahin ang pandemya. Walang mass testing, walang contact tracing, at walang malinaw na hakbang maliban sa pagtatayo ng checkpoint at roadblock noong kasagsagan ng pandemya. Umasa lamang sa bakuna bilang solusyon.

Hinirang ng kung sino-sinong czar upang pangasiwaan ang aksyon umano kontra pandemya. Ngunit walang nangyari. Nahirang si Vince Dizon bilang czar sa contract tracing, ngunit hindi kumilos dahil walang budget. Sa huli, ipinagmagaling ni Duterte ang libreng bakuna upang masugpo ang pandemya.

May tatlong dahilan kung bakit hindi makakuha ng bakuna si Duterte: una, walang sapat na salapi ang bansa dahil sa wala ng mautangan; pangalawa, walang bansa o kumpanyang droga sa Kanluran ang may nais na bentahan siya ng bakuna dahil sa masamang record ng bansa sa usapin ng karapatang pantao; pangatlo, kawalan ng kakayahan, o incompetence, ng mga opisyales tulad ni Francisco Duque III, kalihim ng DoH.

Habang nagkakandarapa ang ibang bansa na makakuha ng bakuna, ayaw magbigay ni Duterte ng paunang bayad, o reservation fee. Tinanggihan si Duterte kahit na nagbago ang kanyang isip sa bandang huli. Hindi nagbigay ng bakuna ang China na sinasamba ni Duterte. Si Duterte ang nagmukhang tae.

***

MGA PILING SALITA: “The time for reckoning is near for Mr. Duterte, his cohorts, and enablers. Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure he is trembling in fear.” – Sonny Trillanes, lider ng Samahang Magdalo at dating senador

“To the violators of human rights, you have been forewarned. Nothing is forever; not even impunity. We hope that the Office of the Prosecutor of the ICC will seek authorization to open an investigation in the Philippines in the first half of 2021 or earlier if they can, so as to focus the international limelight in the horrid human rights situation in the country and help to put a stop to it.” – Carlos Zarate, kinatawan ng Bayan Muna Party List Group

“The office is satisfied that information available provides a reasonable basis to believe that the crimes against humanity …, torture … and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane acts … were committed in the territory of the Philippines between at least 1 July 2016 and 16 March 2019 in connection to the war on drugs campaign launched throughout the country.”- Fatou Bensouda, hepe ng ICC Office of Prosecutor

“So, we are confident because, as we said before, that [ruling] will [be] applied by the ICC—their ruling in one case—on why initiate a case if the country that was an ICC member would not cooperate?” – Harry Roque

“Let us not forget that our innocent youth, like Kian (delos Santos), are helpless victims of this administration’s disproportionate response to what is actually a public health concern.”- Risa Hontiveros, senadora