Advertisers

Advertisers

SHERYL CRUZ SEXY AT BLOOMING

0 141

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BAGONG alaga ni Rams David ng Artist Circle management ang hunk actor na si Troy Montero kaya present ito sa ginanap na Thanksgiving Party ng Artist Circle grand ballroom sa Prime Hotel kamakailan.

Katabi ni Troy sa mesa ang isa sa mga loyal artists ni Rams, ang aktres na si Sheryl Cruz na ang sexy at blooming noong gabing iyon.



Nagsilbing host sa party sina Inday Garutay at Billy Gandoza na bukod sa guapo ay mahusay mag-host.

Iyan ang kagandahan sa talent management ni Rams, iba-iba ang expertise ng kanyang mga alaga, may mga mahuhusay na artista tulad nina Sheryl, Shyr Valdez, Melissa Mendez at Chanda Romero, may dancer tulad ng Sexbomb girls na sina Aifah Medina, Sandy Tolentino, at Monic Icban, may mga komedyante tulad nina Inday, Mosang, Eagle Riggs, Dang Cruz at Wilma Doesnt, youngstars tulad ng napakagandang si Jess Martinez, Rikki Mae Davao at Prince Keino Encelan, host tulad nga ni Billy at marami pang iba.

Kumbaga, one-stop shop ang Artist Circle, naroroon na lahat.

Yearly ay January nagdaraos ng Christmas/Thanksgiving party sina Rams kung saan nagkakatipun-tipon ang napakarami niyang artists na kami mismo ay hindi na namin mabilang.

Bisita sa party si John “Sweet” Lapus na kahit hindi alaga ni Rams ay dumalo dahil close friend naman ng nabanggit na talent manager.



At every year, si Noreen Divina na may-ari ng Nailandia Nail Salon & Spa at Skinlandia beauty and wellness clinic (sa SM Fairview) ang palaging may dala ng premyo para sa grand raffle draw.

Matalik na magkaibigan sina Noreen at Rams kaya naman palaging nakasuporta ang dalawa sa isa’t isa.

That night ay muli naming na-meet ang butihing ina ni Jess na dati na naming nakilala noon sa taping nito para sa Abot Kamay Na Pangarap, bagets si madir, para lamang siyang ate ni Jess.

At si Jess naman, habang lumilipas ang mga araw ay lalong gumaganda, at dinig namin, maraming projects na ang nakalinya para sa kanya si Rams.

Anyways, this 2025 ay aasahang patuloy na aalagwa ang career at karaketan ng mga talent ng Artist Circle dahil na rin sa husay at sipag ni Rams.

***

SPEAKING of Noreen Divina, napakabilis niyang kausap. During the Thanksgiving party ng Artist Circle, pabirong sinabi ng host na si Inday Garutay kay Noreen na wala pa siyang sponsor ng skin and nails, at agad namang sinagutan ni Noreen na siya na ang bahala kay Inday.

Naku e sa ganda at husay ng mga services ng Nailandia at Skinlandia, tiyak na mas lalong magiging kaakit-akit si Inday.

Lalo pa nga at malapit na ang eleksyon at si Inday ay isa sa mga in-demand hosts kapag may kampanya.

At sa tulong ng Nailandia at Skinlandia ni Noreen at mister niyang si Juncynth Divina, nasa mabubuting kamay si Inday.

Ang gaganda nga ng mga endorsers nilang sina Jess Martinez (for Skinlandia) at Marian Rivera (for Nailandia).