Advertisers
Ni Jimi C. Escala
MALAPIT na raw magkaayos ang mga kaibigan niyang sina Claudine Baretto at Angelu De Leon.
Ito ay ayon mismo sa primera kontrabida na si Gladys Reyes. Matatandaang sa 20th wedding anniversary ng mag asawang Christopher Roxas at Gladys nag umpisang napag usapan ang gusot kina Angelu at Claudine.
Isiniwalat kasi ni Claudine at paulit ulit na binanggit ng aktres ang napipintong pagsasama sa isang project nila ni Gladys at Judy Ann with Claudine minus Angelu.
Kumbaga papayag lang daw si Claudine na matutuloy ito kung walang Angelu sa eksena, huh!
Parehong bisita ni Gladys ang dalawa sa party na yun at wala na ring nagawa ang asawa ni Christopher sa tuloy tuloy na pagsambulat ni Claudine dahil sa sinasabing galit nito kay Angelu, huh!
Pero lately ay may pahayag naman si Claudine na pinagsisihan niya na raw ang ginawa niyang yun at nag reach out na raw ang aktres para makahingi ng “sorry” kay Angelu, huh!
Pero mariing itinanggi ito ng huli , huh!
“There hasn’t been an opportunity, but I’m still hoping that time will come,” sey pa ni Angelu sa interbyu sa kanya ng King of Talk Boy Abunda sa programang “ Fast Talk with Boy Abunda”.
Dagdag pa ni Angelu na mula raw noon ay hindi pa nagkaroon ng pagkakataon na makapag usap silang dalawa ni Claudine, huh!
“She lied, she didn’t reach out to me. But I’m atill hopeful that time will come,” sey pa ng aktres.
Well, with Gladys Reyes around, tiyak malapit nang magkasundo ang dalawa, huh!
Pero ang tanong, matutuloy pa kayang pagsamahin sa iisang movie sina Judy Ann Santos, Claudine Baretto, Angelu De Leon at Gladys Reyes?
Well, let us all hope and see.
***
SAMANTALA, wala pa tayong balita kung matutuloy ba talaga ang Manila International Film Festival sa Los Angeles, California. Parang hindi kasi hindi timing na ituloy nila sa gitna ng pinagdaraanan ngayon ng mga kababayan natin doon.
Gusto nang umatras ng iba dahil parang napaka-insensitive naman daw na nagse-celebrate habang ang daming nahihirapan sa matinding wildifire sa LA.
Pinagkakaabalahan ng mga kababayan natin doon kung paano sila makakatulong sa mga nasalanta ng malakihang sunog kaya wala silang panahon para lumabas at manood ng sine.
May mga natutunan tayo sa nakaraang MMFF na siguro dapat na pag-usapan nila sa filmmakers, producers at iba pang stakeholders.
May nakausap nga akong ilang producers, mahirap daw talaga at hindi biro ang mag-produce ngayon ng pelikula, lalo na itong kasali sa MMFF.
Lumalaki ang budget nila dahil ang isa sa malaking epekto sa kanila ay itong sinusunod nilang Eddie Garcia law dahil nadadagdagan talaga sila ng shooting days.
May nagtatanong din kung tuloy ba ang Summer Metro Manila Film Festival. Iyan ang isa pa sa aabangan natin sa mga taga-MMFF at MMDA.