Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul, Cong. Abante nanguna sa groundbreaking ng bagong gusali ng V. Mapa High

0 21

Advertisers

“ITO na. Sa wakas.”

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos na siya, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at Congressman Benny Abante, Jr. ay nanguna sa groundbreaking ng new seven-storey building ng Victorino Mapa High School sa San Miguel, Manila.

Sinabi ni Lacuna na ang kabuuang halaga ng proyekto ay P298,961,618.01 kung saan ang target date na matatapos ay sa May 2026 . Ito ay nasa 21,000 square meter floor area.



Sinabi ni Lacuna na medyo natagalan ng konti bago sinimulan ang proyekto dahil kailangang sinupin pa ang mga available na pondo dahil ayaw na ayaw ng alkalde ang mangutang at makumproniso ang lungsod sa utang.

“Kinailangan po nating sinupin ang pondo dahil ayoko mangutang…gusto ko sariling sikap natin kasi gusto ko, mahalin nating mabuti ang ating itatayong paaralan,” saad ng alkalde sa kanyang mensahe sa mga estudyante, guro at kawani ng nasabing paaralan.

Idinagdag nito na : “Hindi naman kailangan na 10 storeys para lang masabing maganda. Ang kailangan lamang po natin ay pito, may allowance pa para sa mahigit 2,700 mag-aaral na pasok sa ideal classroom size na 35 estudyante kada classroom.

Ayon kay Lacuna, ang bagong gusali ay magkakaroon ng 162 classrooms na sapat para mag-accomodate ng posibleng karagdagang mga estudyante sa hinaharap, kabilang na ang facilities para sa 159 teachers at 27 non-teaching personnel, science classrooms and laboratories, library, gym, canteen, auditorium and elevators, at iba pa.

Nabatid na habang ginagawa ang main building ng bagong paaralan, ang klase ay gagawin muna sa annex building na kalaunan ay gagamitin naman ng senior high school students.



Ang campus complex project ay pinondohan ng Special Education Fund FY 2024 Division of City Schools Manila.

Pinaunahan na ng pasasalamat ni Lacuna si sixth district Congressman Benny Abante, Jr. na ayon sa kanya ay nangako na na suportahan ang nasabing proyekto. SI Abante ay alumni ng nasabing paaralan.

Binigyang komendasyon ni Lacuna si Cong. Abante sa patuloy nitong pagsuporta sa city administration’s program para sa kapakinabangan ng mga residente ng sixth district ng Maynila.

“Para talagang kumpleto, palalagyan din natin sa City Council, sa ating mga congressman, at sa charitable donors ng satellite internet dishes at fiber internet para sa high-capacity internet access for the whole campus population. Hindi kakayanin ng isang satellite dish lang para sa dami ng mga estudyante at personnel,” sabi pa ng lady mayor.

Hinikayat ni Lacuna ang campus community sa pangunguna nina school principal Edmund Villareal at Division of City Schools Manila OIC Cristito Efo na ituloy lamang ang pagsuporta sa kanyang administration’s education and social welfare programs.

“With Manila’s Special Education Fund, we will include V. Mapa High School in the provision of the needed smart TVs, desktop computers, printers, riso machines, and specialized printers for the student publications,” dagdag pa nito.

“Magpapatuloy ang allowances para sa Grade 12 students, education assistance para sa qualified na mag-aaral, at mga social amelioration programs kung saan qualified ang mga miyembro ng V. Mapa High School campus community,” pagtitiyak ng alkalde.

Matatandan na may mga iba pang school building projects na ginagawa na

“Napasinayaan na natin ang sampung palapag na gusaling paaralan ng Manila Science High School, Rosauro Almario Elementary School, at sa Dr. Alejandro Albert Elementary School,” saad nito.

“Tayo ay nagpapatayo ng mga bagong gusali para sa President Ramon Magsaysay High School, Emilio Jacinto Elementary School, at Aurora A. Quezon Elementary School. Sinundan iyan ng pagpapagawa ng mga gusali para sa Isabelo delos Reyes Elementary School at Victorino Mapa High School,” dagdag ni Lacuna . (ANDI GARCIA)