Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MALAPIT ang pamilya ni Shyr Valdez kay dating First Lady Imelda Marcos at ngayong nalalapit na ang eleksyon, napakaraming artista at celebrity ang nag-file ng COC para tumakbo sa eleksyon sa May 2025 sa iba-ibang posisyon, senador, mayor, konsehal at kung anu-ano.
Ano ang opinyon ni Shyr dito?
“You know, I would like to…ito ha, whether we admit it or not, kasi maraming nangmamaliit sa mga artista e, ang daming nagsasabi, ‘Artista lang ‘yan’, mga ganyan.
“Pero alam niyo po, hindi lang naman sa field ng showbiz, even in other fields, di ba? It just so happens na nagkakaroon ng highlight pag artista ka kasi you’re known, kilala ka, napapanood ka sa TV, so on and so forth.
“But maraming magaling sa showbiz. Maraming marunong, maraming nakapagtapos ng pag-aaral, maraming magaling diyan, at maraming kahit sabihin mong…parang ganito, kahit na simpleng artista ka lang, kung meron ka namang mabuting puso, at meron kang puso para magsilbi sa tao, and you think you will do good, and you think you will be able to help, then go ahead.
“Sa akin lang, huwag niyong ikahiya ang industry natin because maraming magaling dito sa industriyang ito, and if you’re running and pinalad po kayong manalo, just do well because you’re representing not just your constituents but you’re also representing the whole industry.
“Kayo po, itaas ninyo po ang watawat ng mga artista na maraming magaling sa industriyang ito.”
Si Shyr ay never tumakbo?
“Ayoko. I practically grew up with it, alam kong magulo siya, alam kong mahirap. I’d rather do the sidelights, I am happy with that.
“I am happy with my corporate job.”
Bukod sa pagigigng aktres (huli siyang napanood sa Lilet Matias: Attorney-At-Law ng GMA) si Shyr ang PR Consultant ng Medicare Plus Inc. na isang health maintenance organization (HMO) o health insurance company na based dito sa Pilipinas
Paano ang paghahati niya ng kanyang oras?
“Fortunately, I have my own time also in the corporate world. Hindi ako… I don’t have that demand of being in the office from 8 am to 5 in the afternoon. Wala naman akong ganoon, I can go whenever.
“But you know, on my regular days, hindi ako nagte-taping, other than my corporate job, I have other things that I do. It’s really just a matter of balancing.
“Kasi ako mas mahirap sa akin pag wala akong ginawa, parang mananakit ang katawan ko, and you know, the time will come, you will really just stop working because matanda ka na.
“So ito, while I still can and able, I just want to do it.”
Si Ms. Jayjay Viray ang CEO at Presidente ng Medicare Plus Inc.
Si Shyr din ang isa sa mga celebrity endorsers ng Medicare Plus Inc., kasama ang young actress na si Jess Martinez at ang Korean actor/model na si Moon Su-in.
Paano nila nakuhang endorser ang South Korean celebrity na si Moon Su-in?
“Si Moon Su-in was actually tapped by a friend of our CEO, Ms. Jayjay Viray.”
Ang head ng Artist Circle talent management na si Rams David naman, na manager ni Shyr, ang agent ni Moon Su-in dito sa Pilipinas.
Sina Moon Su-in at Jess ay pareho namang endorsers din ng Nailandia Nail Salon and Spa at Skinlandia beauty and wellness clinic (sa SM Fairview) ng mag-asawang Noreen at Juncynth Divina.