Advertisers

Advertisers

Andrea ibinato ang ibinigay na Sogo card ng fan

0 12

Advertisers

Ni Beth Gelena

HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis ang kilig ni Judy Ann Santos sa kanyang grand experience nang maimbitahan siya ng international chef na si Gordon Ramsay para sa isang event na ginanap sa.Pasay kamakailan.

Sentimental na pinost ni Juday ang emotional video ng panibago niyang journey as a chef.



Hinangaan ang aktres ng kanyang kapwa celebrities lalo na nang purihin siya ng famous chef.

Ani chef Juday, “Kinikilig ako gang ngayon kapag iniisip ko.”

“Cute mo ate!” ani KC Concepcion.

Ayon naman kay Vina Morales na-teary-eyed siya habang pinapanood ang aktres.

“OMG. I’m teary-eyed watching you, sis. I’m soooo proud of you, and I’m so kilig… as a culinary student, grabeeeeeeeee. Ang galing mo, Chef Juday. I’m sooooo kilig for you.”



***

VIRAL ang reaksyon ni Andrea Brillantes nang makatanggap ng Sogo Card.

Epic ang reaction ng young actress sa natanggap na card.

May event ang Kapamilya celebrities at isa sa mga artistang naroroon ay si Andrea.

Andrea is now dubbed the “Queen Of Gen Z”.

Sa event, while interacting with fans, isang netizen mula sa crowd ang biglang may humawak sa kanyang kamay at saka may ibinigay na card.

She was immediately taken aback after seeing what was the card for.

According to the post circulating online, it was a Sogo card, and her epic reaction after learning it went viral.

She accepted the “suki card” but instantly threw it back after reading while holding an obvious laugh.

Na-shock si Blythe and her reaction has made a lot of people online laugh.

Komento ng isang netizen, “pinamigay kasi yan during parade tas may naka lagay jan na 20% discount yata HAHAHAHA”

***

BAGONG PROYEKTO NINA JENNYLYN AT DENNIS UNANG IN-OFFER NOON KINA DEREK AT ANDREA

MAY bagong project na pagsasamahan ang mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Pero, gaano katotoo na ang bagong project ay unang in-offer kina Andrea Torres at Derek Ramsay?

Katunayan, unfinished project umano ng former couple ang bagong proyekto ng mag-asawa.

“Tapos nagka-trailer launch na sa bago nitong pelikula, naayos na kaya ito? Balitang nagkagulatan sa naging kinalabasan ng pelikula at kailangan itong gamutin, how true?” ayon sa ulat na lumabas.