Advertisers
PATULOY na lumalakas ang suporta para sa Sulong Mga Batang Quiapo Party-list, isang neophyte group na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga street vendors, minimum wage earners, at mga walang tirahan.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 2024, pumuwesto ito sa ika-25 mula sa 156 party-list groups.
Nagpapakita ito ng malaking potensyal na makakuha ng isa o higit pang pwesto sa Kongreso sa darating na halalan.
Ayon kay Atty. Ruskin Principe, tagapagsalita ng grupo, sila ay naninindigan laban sa mga political dynasties.
Aniya, ang kanilang layunin ay magbigay ng boses sa mga marginalized sectors na madalas hindi naririnig sa tradisyunal na pulitika.
Sa kanilang mga programa tulad ng pagbibigay ng kasanayan, pagsasanay, at legal aid, pinatutunayan nilang hindi lamang salita ang kanilang adbokasiya kundi aksyon para sa pangmatagalang pagbabago.
Ang pag-angat ng Sulong Mga Batang Quiapo sa mga survey ay patunay na sinusuportahan ng publiko ang kanilang layunin.
Bukod sa SWS, mataas din ang kanilang ranggo sa Tangere survey at online poll ng Centre for Student Initiatives.
Malinaw na ipinapakita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa kakayahan ng grupo na magbigay ng makabuluhang representasyon sa Kongreso.
Sa kabila ng hamon ng electoral system na kadalasang pinangungunahan ng mga political dynasty, nananatiling matatag ang Batang Quiapo Partylist sa kanilang adbokasiya.
Masasabing ang kanilang tagumpay ay hindi lamang para sa kanila kundi para rin sa lahat ng Pilipinong naniniwala sa tunay na diwa ng representasyon.
Habang papalapit ang eleksyon, nararapat lamang na suriin ng bawat botante ang mga grupong kanilang susuportahan.
Ang Batang Quiapo Partylist ay hindi lamang isang pangalan kundi sila ay simbolo ng pag-asa para sa mga tunay na nangangailangan.
***
Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.