Advertisers

Advertisers

Team Yamsuan, Team Pag-asa na tayo sa Parañaque District 2

0 4,610

Advertisers

Fake news peddlers, mapanira, at di-maginoo ang kalaban sa pagka-representative ng 2nd district ng Paranaque City.

Sabihin ba naman, hindi raw lehitimong residente si Bicol Saro partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan hoy, mga sinungaling kung sinoman kayo!

Sigurado na, sa May 12, 2025 midterm elections, iba na ang kinatawan ng 2nd District ng Parañaque — si Rep. Yamsuan.



For the information ng mga botante sa distrito, si Partner Koyang Brian Yamsuan ay mahigit nang 25 taon na residente ng 2nd District; siya ay may bahay at permanenteng residente ng Barangay BF Homes.

Kaya po, alam na alam ni Koyang Brian ang mga problema, ang mga idinadaing ng mga residente at botante ng 2nd district.

Hindi isyu na siya ay Bicolano, kasi raw si Koyang Biran ay kinatawan ng Bicol Saro (One Bicol) partylist.

Mahalaga, mahal niya ang kapwa niya taga-Distrito 2, at siya ang gusto ng marami na kumatawan sa kanila, at qualified na qualified nga si Partner Brian, kahit pa sabihin ng mga “sinungaling” na PRs ng kalaban ni Brian — na siya ay neophyte, na bagito lamang siya sa Kamara.

Partner Brian has long been serving in government in various capacities, at noon lamang Feb. 2024 siya naging Bicol Saro partylist congressman.



Alam nyo na, matapos mag-graduate sa kolehiyo, nagtrabaho siya bilang media and political affairs sa tatay ng ating DepEd Sec. Sonny Angara.

Isipin nyo na pagkatiwalaan siya ni dati at yumaong Senate President Edgardo Angara, at eto pa, mga botante ng P’que 2nd district at sa mga sinungaling na walang alam si Koyang Brian.

Dahil sa husay niya, nagsilbi siya na media relations officer sa Malacañang at naging chief of staff ng dating Press Secretary Dong Puno.

At dahil sa mahusay niyang performance, kinuha siya noong 2001 ng namayapang Sen. Tessie Aquino-Oreta.

Ay, nakakagulat naman ang credential ng ating susunod na representative ng P’que 2nd District, eto po: noong 2006, Yamsuan was appointed assistant secretary of the Department of the Interior and Local Government, sa noon ay Secretary Ronaldo ‘Ronnie’ Puno.

At nang maging House Speaker si Sen. Peter Alan Cayetano noong 2019, si Partner Koyang Brian ay hinirang na Deputy Secretary General ng Kamara.

Kaya alam na alam ni Yamsuan ang mga partikular at proseso ng pagsulat, paghahain at pakikipagdebate sa inihaharap na House Bill sa Kamara, at nang maging Bicol Saro partylist representative, maayos niyang nagampanan ang mga tungkulin niya — sa kapakanan ng marginalized sector ng ating sosyedad.

Ano ang maaasahan kay Partner Koyang Brian pag iniupo na siya ng mga botante ng P’que 2nd district?

May pruweba na siya, kasi bilang partylist representative, nagawa niyang mai-deliver ang milyon-milyong piso para sa social protection programs, tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), at pati ang Sustainable Livelihood Program (SLP), at ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Pero may sariling initiative si Rep. Yamsuan sa kanyang BAON (Bigay Ayuda at Oportunidad sa Nakababata), ito po ay isang educational assistance project, medical missions, Extra Rice Program, food trucks, at pamamahagi ng mga gamit ng mga batang mag-aaral.

Eto pa ang magandang balita na dahil sa remarkable na trabaho niya para mapagaang ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng ka-distrito, sa mga nakaraang SWS voters’ preference survey for congressman, mula Nobyembre 8-14, 2024, umalagwa nang malayo si Koyang Brian at nakita ang todong suporta ng mamamayan.

Clear majority ang nakuha niya sa maraming rehistradong botante ng 2nd District, opo, 51 percent.

Mas gusto nila si Yamsuan na maging kinatawan nila sa distrito 2 kaysa duon sa katunggali niya na nakaupong kongresista na, nakakuha lamang ng 38 percent.

Ayaw na talaga sa dati, sa bago at mahusay na si Rep. Yamsuan ang napupusuan nila at ang iba pang aspirante, single-digit ratings lamang ang nakuha at maliit na porsiyento ang hindi pa sigurado kung sino ang kanilang iboboto.

Eto pa, ang magandang balita, marami na sa lokal na lider sa barangay at mga lider politiko ang lumipat na kay Partner Koyang Brian, at marami ang nagpapasabi na gusto nilang tumulong sa kanya.

Iba ang dating ng Team Pag-asa nina Koyang Brian na binubuo ng kandidatong vice mayor Benjo Bernabe, at mga dating konsehalTess de Asis at Binky Favi.

May pag-asa naman talaga sa tropa ni Cong. Brian, kaysa sa tropa ng kanyang mga katunggali, kasi nga, marami nang naipakitang maayos at matinong trabaho ang pambatong kongresista ng Team Pag-asa.

Hindi magkakamali ang mga survey, at ito ang dahilan ng pagdami ng supporters ni Partner Koyang Brian, at naniniwala sila, ngayong midterm elections, kaya nang maitumba ang tropa ni Rep. Gus Tambunting.

Nakita kasi ng mga taga distrito 2 na ang pagtitiwala na ibinigay sa nakaupo ngayon ay nabigong maibigay, maipatupad ang mga pangako ng nakaraang eleksiyon 2022.

Panahon nang alisin sa tungkulin ang naghihikab lamang sa trabaho at nagpapataba ng katawan at hindi nakikinig sa hinaing ng mga taga-2nd district at pakonsuwelo lamang ang pagsisipag ngayong malapit na uli ang eleksiyon.

O mga taga-P’que 2nd district, sama na kayo sa Team Pag-asa ni Cong. Brian, ngayon na!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisma@yahoo.com.