Advertisers
- Ni Archie Liao
IPINAGPAPASALAMAT ni Gerald Anderson ang klase ng ginawang pagpapalaki sa kanya ng kanyang mga magulang.
Ang mga ito raw ang nagmulat sa kanya ng values tulad ng pagiging masipag sa trabaho at pagiging mapagkawanggawa sa kapwa.
Malaking impluwensya rin daw ang mga ito para maging masinop siya sa pananalapi kaya naging fallback niya ang kanyang mga negosyo.
Bilang isang taong labis ang pagpapahalaga sa kanyang magulang, hindi naman niya ikinaila na minsan ay nagwo-worry siya sa kalagayan ng mga ito lalo na’t seniors na ang mga ito.
Kaya naman, naipangako raw niya sa sariling gugulin ang kanyang quality time kapiling ang mga ito.
Na-realize rin daw niya kung gaano kahalaga ang panahon sa piling ng pamilya noong pandemic.
Sa isang panayam sa isang online magazine para sa GenZers, sinabi niya na ang greatest fear niya ay ang well-being ng kanyang pamilya na siyang nagsisilbing motibasyon sa lahat ng kanyang ginagawa.
“I do all this work for them. They are a big motivation in my life, in my career. Sa awa ng Diyos, God has been very good; He’s kept them healthy,” anya.
Bilang isang celebrity, aminado rin siyang minsan ay dinadalaw siya ng pangamba dahil bukod sa di panghabang buhay ay wala ring kasiguradahan ang trabaho niya bilang artista.
Ito ay dahil ang daming sumisibol na mga artista na nadidiskubre sa showbiz.
“In our industry, we are very fragile as celebrities. Our career, my career, could be taken away in an instant if hindi mo aalagaan. And my fear of losing my career is real because this is what feeds my family, my loved ones, ” sey niya.
Kaya raw para hindi siya malamon ng sistema ay lagi niyang inaalala ang kanyang pinagmulan o humble beginnings.
“People will judge you, bash you, support you, and love you—and all of that can change in a second. So, remember: always remember who you are, and do not let fame get into your head—because it’s not real. The support. The love is real. The hate is also real. That’s why you have to remember who you are and live by the decisions that you make, “paliwanag niya.
Sa naturang panayam, inamin din niya na marami na siyang life lessons na natutunan pagdating sa pag-ibig.
“Love can also hurt, and it does hurt when it doesn’t work out. With dreams and goals planned together, it really does hurt when things don’t work out and someone whom you were so close with just becomes someone who’s like a stranger to you, ” ani Ge.
Gayunpaman, sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok ng puso, naniniwala pa rin daw siya sa kagandahan ng pag-ibig.
“But I always believed in love. There are times in my life na parang ‘wag muna ‘yung love,’ but then God works in mysterious ways. He blessed me with, you know, I’ve had beautiful relationships,” bulalas niya.
Sa ngayon, thankful naman si Gerald dahil dumating sa buhay niya ang inspirasyon niyang si Julia Barretto.
“I really wish her, sana talaga makuha niya lahat na mga gusto niya sa mga pangarap niya, her dreams, her goals, her mission in life. She’s very genuine, humble, and beautiful–inside and out. I’m so blessed to be part of her life, “pagtatapos niya.