Advertisers

Advertisers

Reps. Chua at Valeriano iginiit na ‘di sila pwedeng diktahan ng kahit na sino sa Kongreso

0 12

Advertisers

IGINIIT ng dalawang Konggresista ng Maynila na ‘di sila pwedeng diktahan ng kahit na sino at mananatiling may malayang pag-iisip bilang Konggresita ng dalawang distrito na kanilang kinakatawan sa Mababang Kapulungan.

Ito ang ipinahayag nina Congressmen Joel Chua (3rd district) at Rolan Valeriano (2nd district), matapos kunin ang kanilang reaksyon ng media sa isyung dinidiktahan umano sila ni House Speaker Martin Romualdez, nang sila ay maging panauhin sa Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) ‘Balitaan’ news forum na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Ermita noong Martes ng umaga.

Ang dalawang Konggresista ay nagkataon naman na siyang nagiimbestiga sa umanoy maling paggamit ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte, at bumagsak sa Committee on Good Government and Public Accountability kung saan si Chua at pinuno at miyembro naman si Valeriano.



“Kung titignan natin survey, mahigit 60 percent sang-ayon sa ginagawa ng QuadComm, so wala pong ibang pupuwedeng magdikta sa amin kundi ang taumbayan. Kasi kahit ano sabihin ng Speaker, kung ang tao ay di sang-ayon eh balewala lahat. Kami ay matatakot dahil representative lang kami ng taumbayan,” saad ni Chua.

Idinagdag pa ni Chua na kung titingnan ang surveys, ang suporta sa QuadComm ay sobra-sobra, lalo na sa Metro Manila at kung may bumabanat sa Kongreso ito ay walang iba kundi ang trolls o vloggers na pawang bayaran.

Tiniyak din ng Kinatawan ng ikatlong distrito ng Maynila na itutuloy lamang nila ang kanilang trabaho at ito ay kaugnay ng mga ‘di inaasahang issues na lumutang habang ginagawa ang imbestigasyon.

“Gagawin lang namin ang trabaho namin kasi nakita naman namin na maraming isyung lumabas. Nung una namin ginawa ito, wala naman sa isip naming me mga lalabas na isyu. Ang nasa isip lang talaga namin is in aid of legislation at marami na nga tayong nakita na mga problemang dapat ayusin. Si Speaker naman po hindi nman po nakikipag-usap sa amin kasi kung nakikipag-usap siya sa mga Congressman, puputok na yan at kung lahat kakausapin niya, mahirap din naman po ‘yun. Ang mga Congressman galing sa iba-ibang luar at partido,” pagbibigay punto ni Chua.

Sa kanyang bahagi naman, sinabi ni Valeriano: “hindi ako nadidiktahan pag me nakikita akong mali, aayawan at tatayuan ko.”



Bilang resibo at binanggit ng Kinatawan ng Ikalawang distrito ng kabisera ng bansa ang kanyang pakikipagsagutan sa isang sheriff at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kung saan siya at si Chua ay mariing tinutulan ang mga unjustified demolitions at walang habas na operasyon sa Maynila noong panahon ng pandemya. Si Valeriano ay kasalukuyang hepe ng Committee on Metro Manila Development sa House of Representatives.

Ginawang ring halimbawa ni Valeriano ang sitwasyong pulitikal sa Maynila: “Kagaya ngayon, andito ako sa Asenso Manileno, kung pumunta ako sa kabila, baka me pera ako dahil talagang umaagos ang pera dun at wala sana akong kalaban, dahil hindi ako lalagyan ni mayora ng kalaban sigurado. Pero mas pinili ko ang Asenso. Wala talaga kahit zero (funding) ako dito, nagkaroon pa ‘ko ng kalaban. Pag mali, ang hirap kainin… hindi ako nadidiktahan ng kahit na sino.. pag tingin ko mali, mali,” pagbibigay diin ni Valeriano. (ANDI GARCIA)