Advertisers

Advertisers

Mini shabu lab sumabog habang nagluluto ng droga

0 335

Advertisers

NADISKUBRE ang isang laboratory ng shabu sa bayan ng Tanza nang sumabog habang nagluluto ng droga ang ilang empleyado sa Brgy. Sahud-Ulan Tanza, Cavite.

Apat umano ang suspek na dalawang Chinese National at 2 Pinoy ang di umanoy nakikita sa inuupahang bahay na ginawang mini laboratory ng shabu na pawang mga nakatakas.

Sa ulat ng Tanza Police, 6:00 ng umaga nang makaring ng isang pagsabog na naganap sa Leon Fojas St. Brgy. Sahud-Ulan, Tanza.



Unang rumosponde ang barangay at mabilis namang tinawagan ang Tanza Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni Fire Sr Insp Armand Lee Andres dahil sa malakas na usok na lumalabas sa nasabing bahay.

Pagdating umano nila sa lugar upang magsagawa ng responde, agad bumungad sa loob ng bahay ang iba’t-ibang klase ng paraphernalia at mga kagamitan na ginagamit sa pagluluto ng shabu.

Agad itong itinawag sa pulisya, at sa paunang pagsisiyasat ni Cavite Provincial Director Police Col Dwight Alegre, wala ng naabutan ang mga itong suspek sa nasabing bahay na mabilis na tumakas.

Nangungupahan lamang umano ang mga nakatira sa nasabing lugar at ang may ari ay nasa ibang bansa. Nobyembre ng nakaraang taon di umano nagsimulang umupa ang mga suspek dito na 2 Indonesian National at 2 Pinoy.

Sa pagsisiyasat sa loob ng bahay, dito na tumambad ang iba’t-ibang kagamitan sa laboratoryo at ilang kemikal na posibleng ginagamit sa paggawa ng shabu.



Hanggang sa sinusulat ang balitang ito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at inventory sa mga gamit.

Na retrived na rin umano ang kuha ng CCTV habang papatakas ang mga suspek at ang pagkakakilanlan nila subali’t hindi pa ito inilalabas dahil sa isinasagawang follow up. (Irine Gascon)