Advertisers
LIMANG hinihinalang ‘ chinese spy’ na nagmamatyag sa mga atikibidad ng mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa mga karagatan ng ating bansa, ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines, napag-alaman sa ulat.
Ayon kay NBI Director retired Judge Jaime Santiago naaresto sa magkakahiwalay na lugar ang mga suspect, ang dalawa ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na galing sa Palawan.
Napag alaman na ang dalawa sa inaresto ay katatapos lamang magsagawa ng aerial spy sa pamamagitan ng paggamit ng drown at nagkabit ng Hightecth Solar CCTV camera sa inupahang resort sa Ulugan Bay sa Puerto Prinsesa sa Palawan kung saan inireport mismo ng ilang residente sa lugar sa AFP.
Matapos nito ay naaresto naman ang mga kasamahan nito sa Intramuros at Binondo Manila habang ang isa ay inaresto sa Dumaguete City.
Ang mga Chinese national ay kabilang din sa grupo ng naarestong si Deng Yuanquing noon January 17,2025 sa kasong espionage o pag iispiya.
Ang limang Chinese na naaresto ay sina Cai Shaohuang ang field commander o lider ng grupo, Cheng Hai Tao, Wu Cheng Ting, Wang Yong Yi at Wu Chin Ren.
Ayon kay Santiago bukod sa Palawan, napag alaman din na kumuha ng photages ang mga suspect sa Manila Bay at sa Naval base sa Manila Bay.
Maging sa Subic Bay ay kinuhaan din ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard.
Layunin ng paglalagay ng CCTV solar camera ng grupo upang malaman ang mga papaalis na sasakyang pandagat ng gobyerno lalo na sa resupply mission kayat laging nalalaman ang galawa ng mga barko ng ating mga sundalo at Philippine Coast Guard.
Kaugnay nito nananawagan naman si AFP Chief of Staf General Romeo Brawner sa publiko na maging vigilant at ireport agad ang mga kahinahinalang pagkilos o galaw ng mga grupo ng banayaga. (JOJO SADIWA)