Advertisers

Advertisers

15-anyos kinikikilan ng ex-dyowa

0 17

Advertisers

ARESTADO ang 28-anyos na lalaki nang takutin at kikilan ang 15-anyos na dating kasintahan, na pinagbantaang ikakalat ang kanilang sensitibong videos at larawan sa Caloocan.

Ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG), nanghingi ng pera ang suspek kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga malisyosong materyales.

Naaresto siya sa isang entrapment operation at ngayon ay nahaharap sa mga kasong ‘grave coercion’ at ‘child abuse’.



Kinumpirma ni PNP ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo na ginamit ng suspek ang kanilang pribadong videos upang pilitin ang biktima. Depensa naman ng suspek, nais lang niyang ayusin ang kanilang paghihiwalay at ipinangakong buburahin ang mga larawan at video pagkatapos nilang mag-usap.

Binigyang-diin ng mga awtoridad na malubhang paglabag sa batas ang ginawa ng suspek, lalo na dahil menor de edad ang biktima. (Beth Samson)