Advertisers

Advertisers

Sue naka-jackpot sa bagong dyowa na anak ng bilyonaryong producer

0 270

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AYAW tantanan ng intriga  si Sue Ramirez dahil kumpara sa ibang dati at mga nananatiling Kapamilya na apektado ng pagsasara ng ABS-CBN ay nasa prenteng posisyon daw ito.

Hirit ng ilang malisyosong kibitzers, hindi raw magiging frozen delight ang career nito dahil nakasandal ito sa pader.



Assured na raw ng projects ang aktres kahit hindi mabalik ang prangkisa ng Kapamilya network dahil never daw itong mawawalan ng trabaho sa TV 5 dahil bf nito si Javi Benitez, ang anak ng bilyonaryong blocktimer producer sa Kapatid channel.

Hirit pa nila, tila naka-jackpot daw si Sue sa anak ni dating Congressman Albee Benitez.

Katunayan, may mga shows daw ito na prodyus ng Brightlight Productions.

Tapos na rin ang action movie nila na pinagtatambalan ng nobyo.

Pagtatanggol naman ng iba, may talent daw naman si Sue, masipag at madiskarte kaya hindi raw ito mawawalan ng trabaho.



***

SINURPRESA ni Sofia Andres ang kanyang dyowang si Daniel Miranda sa nakaraang kaarawan nito.

Nag-host siya ng intimate birthday dinner para sa ama ng kanyang anak na si Zoe.

Marami namang netizens ang pumuri sa pagiging thoughtful ng aktres sa kanyang love partner.

Sa Instagram, umani ng positive reactions ang kanyang emote.

“I guess you can hire me now… All for you @danielmirandaa_,” sey ng celebrity mom.

Ito naman ang ilang reaksyon ng netizens at ilang kaibigan sa showbiz.

“Beautiful set up” “Love the intimate setup! Enjoy the birthday dinner!” ,“love the concept” “Super gandaaaa” “what a beautiful tablescape, cozy celebration” “So romantic! Enjoy the celebration!” “Wow ganda ng pgka set up” “Love the photography and the concept as well.”

Bago nag-lie low sa showbiz, huling napanood si Sofia sa teleseryeng “Bagani.”

Kamakailan din, ipinagdiwang ng dalawa ang first birthday ng kanilang anak na si  Zoe.