Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PINABULAANAN ni Derek Ramsay ang pag-uugnay sa kanya sa mga babae matapos ang break-up nito kay Andrea Torres.
Kaya raw siya naba-bash dahil sa pagli-link sa kanya sa kung sinu-sinong babae.
Kahit nga ang ang sexy at magandang babaeng nagpa-picture sa kanya ay dyowa nga raw ng aktor.
Pati pamangkin nito na kasama sa picture ay idinamay din at iniugnay sa kanya.
Kahit nga ang pag-uugnay ng aktor kay Pops Fernandez ay itinanggi nito.
Sa dami na nga raw babae na ini-link kay Derek ay baka nabuntis na nito ang Pinas.
Nanghinayang man sa split-up with Andrea kahit marami na itong na-invest, wish ng aktor na makahanap ng best man ang ex-gf.
***
SA sexy dress na suot ni Iya Villania na naka-post sa socmed ng una at ng husband na si Drew Arellano, marami ang humanga rito.
Bagay kay Iya ang dress na bumagay sa kanyang short hair.
May tatlo na ngang anak sina Iya at Drew– sina Primo, Leon at ang kapapanganak lang na si Alana this year.
May mga netizen naman na nagbubuyo na isa pa nga raw anak na ikinagulat ni Drew.
Ewan na nga lang daw kungdi madagdagan ang anak nila at humirit pa si Drew sa kaseksihan ni Iya.
May humirit na isa pa para apat dapat at isa pang baby girl para equal na dahil may dalawa na silang boys.
Tingnan natin kung madagdagan pa ang anak nila.
Well, well, well…’Yun na!