Advertisers

Advertisers

Marion Aunor wish gumawa ng maraming songs sa 2021

0 376

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

BUKOD sa paglikha ng mga kanta, kabilang sa pinagkakaabalahan ni Marion Aunor lately ang pag-upload weekly ng cover videos sa kanyang YouTube channel.

Madalas namin itong mapanood and as always, masarap pakinggan at class ang mga song covers ng talented na panganay ni Ms. Lala Aunor.



Ayon kay Marion, mula nang i-cover niya ang kantang Harana ay maraming nagre-request sa kanya ng iba’t ibang kanta. Positibo naman ang feedback kaya itinuluy-tuloy na niya ang pag-post nito sa kanyang Youtube channel and Facebook page.

Inusisa namin ang kanyang latest single.

Saad ni Marion, “Ang bago ko pong Christmas single is with my friend Toma Cayabyab called Ngayong Pasko. Isa siyang jazz Christmas love song para sa mga taong gustong makasama ang special someone nila during Christmas.”

Ito ang unang Tagalog Christmas song na kanyang naisulat.

Paano pumasok ang idea about the song? Available na ba ito sa digital platforms?



Esplika niya, “Never ko pa po kasi na-try magsulat ng Filipino Christmas song and gusto ko rin sana maglabas ng isa pang single this year, so I wrote “Ngayong Pasko” since “ber months” na rin.

“Yes, available po siya in all digital platforms and mayroon ding music video and lyric video on Youtube.”

Ano ang kanyang Christmas wish?

Wika ni Marion, “Sana matapos na po ang pandemic and maka-recover ang lahat ng naapektuhan. Pati na rin ang mga nangyayaring calamity po sa atin, sana matapos na po ito.”

Ipinahayag din niya ang kanyang plano sa pagpasok ng year 2021.

Esplika ni Marion, “Ang plano ko po ay gumawa pa ng maraming songs, videos, collaborations, and makabalik din sana sa live gigs once safe na po ulit.”

Bukod sa pagiging mahusay na singer/songwriter, sumabak na rin sa pag-arte si Marion. Mapapanood siya very soon sa pelikulang Togs, katambal si Gerald Santos at mula sa pamamahala ni Direk Njel de Mesa.