Advertisers
Healthy Quezon City? Yes, in tagalog ay malusog na lungsod. Iyan ang isinusulong ni QC Mayor Joy Belmonte para sa QCitizens at mga bisita ng lungsod.
Pero teka, hindi ba malusog naman na ang Quezon City – yes, malusog na malusog sa pondo at kung hindi nga tayo nagkakamali, ang lungsod ang pinakamayaman na syudad sa Metro Manila.
Tama ka diyan…at sa kalusugan ng pondo ay napakarami nitong programa kung saan ang beneficiaries ay ang QCitizens.
Pero kalusugan sa pondo ba ang atin tinutukoy? Hindi sa halip, ang kalusugan ng mamamayan. Hindi naman siguro lingid sa atin kaalaman na marami ang nakalilimot sa kanilang kalusugan – walang pakialam kung makolesterol at makaloris ang kinakain, basta ang mahala ay mabusog at makain ang tinatakamkatam na pagkain kaya lang…hayun, atake sa puso o pagtaas ng blood pressure/sugar ang inabot.
Mabuti naman at pinangangahalagaan ni Mayor Joy B ang kalusugan ng mga taga-QC. E sa paano paraan naman?
Inobliga na ni Mayor Joy B ang mga restoran sa lungsod na isasama na sa menu ang calorie counts ng mga pagkain. Wow, okay iyan ha. Malaki ang maitulong nito sa kalusugan…tiyak na bababa na ang bilang ng aatakehin sa puso sanhi ng pagtaas ng blooad sugar at blood pressure.
Pinirmahan na ng alkalde ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa city’s calorie labeling ordinance. Mag-uumpisa ito sa December 2025 – ang mga resto na may limang sangay o higit pa ay obligadong ilagay sa kanilang menu ang calorie counts ng mga pagkain, bilang bahagi ng first phase ng implementasyon.
Sinabi ng Alkalde, na ang calorie labeling ay makatutulong sa pagbibigay impormasyon sa QCitizens kaugnay sa calorie content ng kanilang kakainin.
“Sa pamamagitan ng hakbang na ito, mas magiging empowered na ang ating mga residente dahil kapag may calorie count labels na sa mga menu ng mga restaurant, may kapangyarihan ang QCitizen na pumili ng masustansyang pagkain. Dahil sa tamang impormasyon, maisusulong din natin ang isang lungsod na prayoridad ang pangangalaga sa kalusugan. (With this step, our residents will be more empowered. When calorie labels are available on restaurant menus, QCitizens will have the power to choose healthier food options. With the right information, we can also promote a city that prioritizes health and nutrition),” pahayag ni Mayor Belmonte.
Magandang ehemplo itong programa ng QC-LGU, lalo na sa panahon ngayon, wala nang pakialam ang nakararami sa kanilang kinakain, basta’t masarap sige…pero iyon pala ay napakataas na ng calories nito sanhi ng pagtaas din ng cholesterol at blood sugar.
Madame Joy B, iba ka talaga…basta’t para sa QCitizens ay gagawin mong lahat. Ikaw na!