Advertisers

Advertisers

P54m shabu, ibinalot na pangregalo

0 232

Advertisers

Nakumpiska ang P54 milyon halaga ng shabu sa Muntinlupa City na ibinalot sa mga kulay pulang tea bag na mistulang pangregalo ngayong Pasko
Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – NCR sa Tunasan, Muntinlupa sina Renzy Viscarra at Red Viscarra sa isinagawang buy-bust operation.
Nakuha sa mga suspek ang tinatayang walong kilo ng shabu.
Sa report, nakatakdang ibagsak sa iba’t bahagi ng Metro Manila ng mga suspek ang mga shabu, na inilagay sa mga tea bag at ibinalot sa kulay pulang pangregalo.
Ayon sa ulat, maliban sa shabu, nabawi rin ng PDEA ang 30 tableta ng ecstacy na mataas ang demand ngayong holiday season.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.(Gaynor Bonilla)