Advertisers
Nag- aalala ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na makakaapekto ng malaki sa ekonomiya ng bansa ang hakbang na pag-impeach kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni PCCI George Barcelon, na gaya rin ng mga ordinaryong mamamayan ay naghihintay lamang sila kung ano ang epekto ng hakbang na ito ng mga mambabatas.
Umaasa ito na alam ng mga mambabatas kung ano ang makakabuti para sa bansa.
Naniniwala din ito na ang kaguluhan sa pulitika ay may malaking epekto sa lagay ng ekonomiya.
Hindi lamang ang PCCI ang may ganitong pananaw sa ginawang aksyon na ito ng Kongreso laban sa ika- 2 pinakamataas na opisyal ng bansa.
Maging ang Makati Business Club (MBC) ay kumbinsidong hindi inalintana at kinunsidera ng Kongreso ang naghihingalo na ngang estado ng bansa at sa halip ay itinuloy pa rin ang kanilang political agenda kahit pa nga di ito suportado ng executive branch at ng iba pang malaking sektor ng pamahalaan.
Lumalabas tuloy na hindi binigyan ng importansiya at kahalagahan ng Kongreso sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez ang kapakanan ng mga negosyante at ng mga mamamayan.
Hindi lamang mga local businessmen ang apektado dito kundi maging ang mga bagong foreign investors na may ilang panahon pa lamang nangangalakal sa bansa.
Ang present economic and political climate ng bansa ay siguradong makakaapekto ng malaki sa local & foreign investments.
Mas malala pa ito ayon sa ilang eksperto kung ikukumpara sa kalagayan sa takbo ng negosyo noong panahon ng pandemya.
Mukhang hindi kinonsidera ni Romualdez at ng liderato ng Kamara ang kapakanan ng mas nakakaraming sektor ng pamayanan na matagal ng ibinabala ng mga financial advisers ni Marcos Jr.
Ayon sa ilang miyembro ng gabinete ng Pangulo,sentido kumon lamang at mauunawaan mo na agad na ang isang malaking kaguluhan sa estado ng pulitika sa bansa gaya ng impeachment laban sa bise presidente ay sapat na para magdulot ng economic destabilization na posibleng magsanga- sanga sa iba pang malalang problema na nais sanang iwasan ng Malacanang pero nanaig ang sulsol at personal interest ng mga ambisyosong pulitiko.
Ayon pa sa ilang economic czar ng PALASYO, maituturing political suicide ang ginawang ito ng Kongreso na wala naman talagang kakaharapin kabutihan sa interes ng mamamayan at ng bansa kundi ang pagkakahati- hati at pag- aaway- away.
Hudyat ito ng tuluyang pagguho ng ano mang mga positibong bagay na nasimulan nang isulong ng administrasyong ito.
Nawala ang tinatawag na ‘”wishful thinking” ni Marcos Jr. at ng kanyang economic team sa hakbang na ito ng Kongreso at ni Romualdez.
Lose- lose situation ang pinasok na ito ng gobyerno na obvious naman hindi dumaan sa masusing pag- aaral, bagkus naimpluwensiyahan ng matinding galit, emosyon at personal self serving interest na posibleng magbigay ng boomerang effect sa mga lider- gobyerno partikular na sa mga Marcoses at Romualdez.
Maliwanag ng isang political at economic suicide na tiyak na pagsisisihan ni Marcos Jr. at ng kanyang mga buwayang walang kabusugan!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com