Advertisers
TULUYAN nang binitiwan ng administrasyon ni Marcos Jr. ang bata [raw] ni ‘Kapitan’ na si Transportation Secretary Jaime ‘Jimmy Boy’ Bautista.
Matibay din naman kung tutuusin ang Bautista dahil sa kabila ng kawing-kawing na batikos dito sa usapin ng transportasyon ay umabot pa rin ito ng dalawa’t kalahating taon sa kanyang trono.
Bago ang anunsiyo ng Malakanyang ay ilang beses na rin napapaulat na nakarating na sa Pangulo ang reklamo umano ng Private Sector Advisory Council (PSAC).
Ang sumbong o reklamo ng PSAC ay hindi yung mabagal ang usad ng mga proyekto kundi WALA TALAGANG KAUSAD-USAD. Tila pulos porma lamang kaya dismayado ang naturang grupo kay Bautista.
Mula sa mga proyekto at programa para sa mga kalsada at riles ng tren, pandagat at maging panghimpapawid ay natulog daw sa ‘pansiterya’ ni Bautista kaya apektado ang paglago ng ekonomiya.
Naging punto pa raw ng ilan sa nasabing grupo na dapat hindi na umabot ng isang taon sa kanyang trono itong si Bautista dahil sa simula pa lamang daw ay kinakitaan na ng pagiging malamya nito sa trabaho.
Naalala ba ninyo ang ilang beses nawalan ng kuryente sa mga paliparan o airport? Naalala ba ninyo ang kapalpakan sa Land Transportation Office (LTO) na naging papel ang ‘Driver’s License’?
Dapat ay doon pa lamang daw ay sinibak na itong si Bautista dahil sa kahihiyan na inabot ng kasalukuyang administrasyon sa buong mundo lalo noong nawalan ng kuryente ang ating ‘International Airport’.
Kapuna-puna rin umano na karamihan sa sinasabing ‘Accomplishments’ ni Bautista ay yung mga naiwan na proyekto at programa ng nakalipas na liderato ng Department of Transportation (DOTr).
Kaya hayun… nabuwisit daw ang PSAC! Kaya marahil napagtanto na rin ng Pangulo kaya sinibak na itong si Bautista. Sana sibakin na rin ang lahat ng mga ‘tuta’ ni Bautista dahil pihadong kasabwat sila sa kapalpakan nito. Agad-agad…!
***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com