Advertisers

Advertisers

Mayor Edwin Olivarez: Parañaque Mayor and Metro Manila Council Chairman

0 600

Advertisers

Wala na atang alkalde dito sa Metro Manila na kasing busy nitong si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.

Bukod kasi sa pagiging alkalde ng progresibong lungsod, si Mayor Olivarez din kasi ang chairman ng Metro Manila Council.

Siya ang namumuno sa grupo ng mga Metro Manila mayors na punong-abala sa pagbabantay at close monitoring ng mga kaganapan sa Covid-19 pandemic.



Ang Metro Manila Council din ang nagdesisyon at nagrekomenda sa IATF na panatilihing nasa estado ng General Community Quarantine (GCQ) ang buong NCR sa duration ng holiday season upang matiyak na di sisipa pataas ang bilang ng magkakaroon ng Covid-19 ngayong ang tendency ng lahat ng tao ay lumabas ng bahay at ipagdiwang ang paparating na Kapaskuhan at pagpasok ng Bagong Taon.

Tradisyunal na kasing dumadagsa sa mga mall, pasyalan at mga restaurants and gimmick hubs ang mga kababayan natin sa mga ganitong panahon.

Bagamat unpopular ang “stand” na ito ni Olivarez at ng Metro Manila Council, prayoridad ni Kuya Edwin ang kaligtasan ng mas nakakarami laban sa salot na sakit.

Batid ni Mayor Olivarez na malaking “blackeye” ang pananatili ng NCR sa GCQ pagdating sa ekonomiya ngunit nangibabaw ang pangangailangan para sa paghihigpit na pagpapatupad ng safety & health protocols alinsunod sa mga nakatadhanang guidelines ng IATF at ng Department of Health.

Bukod sa dami ng load na trabho at responsibilidad bilang chairman ng Metro Manila Council, hands down din si Mayor Edwin sa paglilingkod sa kanyang mga constituents sa lungsod ng Paranaque.



As usual, extention ng opisina ni Olivarez ang kanyang tahanan at masasabing kasapi at kasama ng kanyang working team ang kanyang buong pamilya.

Ang kanyang maganda at masipag na maybahay na si Ate Janet Olivarez at kanilang mga anak.

Second nature na kasi ni Mayor ang maglingkod sa kanyang mga minamahal na kababayang Paranaquenos gaya ng ipinakitang ehemplo ng kanyang amanh si former Paranaque City mayor Pablo Olivarez.

Sa edad ngayon ng patriarch ng pamilya Olivarez, nananatili itong aktibo sa public service at barangay captain ng San Dionisio.

Ang nakababatang kapatid naman ni Kuya Edwin na si Boss Eric at nasa ikalawang termino naman nito bilang Congressman sa ika-unang distrito ng siyudad.

Walang duda na buong pamilya ng mga Olivarez ay itinadhana para tumulong sa kanilang mga kababayang Paranaquenos.

Nang ihalal naman si Kuya Edwin ng mga kapwa alkalde sa Metro Manila, inihanda na rin nito ang sarili sa panibagong tungkulin at responsibilidad na kalingain din ang mga residente ng NCR at yakapin at lingapin din ang kanilang interes at kapakanan.

A truly workaholic person dedicated to the service of his fellowmen.

Kapuri-puri talaga at kahanga-hanga ang isang Kuya Edwin na nananatiling mapagkumbaba sa kabila ng mga accomplishments na nagawa na nito sa ikabubuti at pag-asenso ng bawat Paranaquenos in particular and of the city of Paranaque in general.

Mabuhay ka Kuya Edwin!

‘Wag ka po sanang magsasawa at mapapagod na itaguyod ang kapakanan ng bawat isang mamamayan ng inyong lungsod.

Stay safe sir and God Bless!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com