Advertisers

Advertisers

14 daan winasak ni Vicky – DPWH

0 216

Advertisers

SARADO pa sa motorista ang 14 national road sections sa Luzon at Visayas dahil sa landslide, mudflow, pagbaha, mga bumagsak na puno at nasirang mga kalsada at tulay bunsod ng bagyong Vicky.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), dalawang section sa Ifugao Province ay kasalukuyang nililinis.
Sa Region 2, ang mga apektadong sections ay ang Cagayan Apayao Road, Itawes Bridge, Tuao, Cagayan; Cagayan Valley Road, Divisoria Bridge, Namabalan Sur, Tuguegarao City; Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge, Cabagan Sta. Maria; at San Pedro Overflow bridge sa NRJ-Villa Sur-San Pedro-Cabuan-Ysmael- Disimungal Rd. sa Maddela, Quirino.
Habang sarado rin ang ilang sections sa Region 3 kabilang ang Nueva Ecija-Aurora Road Camatis Section at Baler-Casiguran Road, Dibet A Abuttment A sa Aurora habang hindi rin madaanan pa sa Region 5 ang kalsada sa Catanduanes Circumferential Road sa Brgy. Sagrada sa Municipalidad ng Bagamano, Catanduanes; Baras-Gigmoto-Viga Road, Brgy. Ogbong, Municipality of Viga, Catanduanes; Jct. Panganiban-Sabloyon Road Brgy. San Miguel, Panganiban, Catanduanes.
Gayundin ang tatlong road sections sa Region 8 kabilang ang Daang Maharlika, Layog Bridge ; Tacloban-Baybay South Road, Brgy. Liberasion, Mahaplag, Leyte; at boundary ng Silago-Abuyog Road Panalian Bridge.
Ang bagyong Vicky ay nakapaminsala ng imprastraktura na aabot sa halagang P110.4 milyon .
Ayon sa DPWH, P5 milyon sa Reion 5 at P96.4 milyon sa Rehion 8. (Jocelyn Domenden)