Advertisers
“SA buong mundo, ito ay nagdadala ng pag-unlad,lumilikha ng mga trabaho, at nagbubukas ng pinto para sa mga negosyante at brand upang magtagumpay.Naniniwala ako na may kakayahan ang Pilipinas na maging sentro ng rebolusyong ito.”
Ito ang naging pahayag nina 8th division boxing icon at nagbabalik senador na si Manny Pacquiao, kasama sina Scott So ng Star Digital Solution at Kevin Lim ng Manila E-Commerce Center, matapos ang paglulunsad ng makabagong paraan para maging mabilis, madali at kaagad na mapaunlad ang kanilang pagnenegosyo.
Ipinakita sa event ang papel ng Star Digital Solutions,isang bagong digital marketing at e-commerce agency na naglalayong tulungan ang mga negosyo sa pamamagitan ng content creation,livestreaming, at iba pang digital solutions.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng dating Senador na nauunawaan niya ang daranasing hirap ng mga maliliit na negosyante upang makipagsabayan sa mga matatag na sa larangan dahil bago rin niya naabot ang rurok ng kanyang tagumpay sa larangan ng boxing ay kinailangan niya ang dedikasyon, disiplina at kakayahang umangkop sa kapaligiran.
Bilang isang taong nagtagumpay mula sa kahirapan, binibigyang-diin ni Paquiao ang kahalagahan ng tamang platform at suporta upang umasenso.
Aniya, sa pamamagitan ng Star Digital Solution ay mabibigyan ang mga maliliit na negosyante ng kaalaman at suportang kanilang kailangan upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang mundo ng digital.
Hinikayat naman ni Pacquiao ang mga mamumuhunan, may dati ng negosyo, at maging mga content creators, na makiisa sa kanya sa ganitong kapanapanabik na paglalakbay sa mundo ng digital marketing na makakatulong aniya sa kanilang pagnenegosyo.
“Ang e-commerce ay hindi para sa mga nag-aantay, ito ay para sa mga kumikilos.Tulad ng sa boksing,hindi ka mananalo sa kakaiwas lang.Nanalo ka kapag lumalaban ka pasulong.” pahayag ni Pacquiao
Inilalagay din ni Pacquiao ang Pilipinas sa mapa bilang isang pangunahing manlalaro sa pandaigdigang e-commerce industry, habang patuloy na umuunlad ang mga negosyo sa pamamagitan ng inobasyon at digital transformation. (JOJO SADIWA)