Advertisers

Advertisers

Sam todo-deny, si Moira ang rason ng hiwalayan kay Catriona

0 33

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NILINAW ni Sam Milby sa isang interview na walang katotohanan ang mga lumabas na balita na si Moira dela Torre ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Catriona Gray.

Wala raw third party sa hiwalayan nila ng dating beauty queen.



Matatandaang nag-viral ang video sa isang event na dinaluhan ni Catriona kamakailan. Marami kasi ang nakapansin sa pagbati niya isa-isa sa mga naroon sa stage, pero nilagpasan daw at inisnab nitoi si Moira.

Kaya naman nag conclude ang mga netizens. Kinonek agad si Moira sa hiwalayan nina Sam at Catriona.

Paliwanag ni Sam, “There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all. It makes me sad.

“If there’s no evidence, ‘wag ninyong paniwalaan ‘yung nakikita ninyo because in this incident, there’s absolutely no truth to it all.”

Hindi naman itinanggi ni Sam na naging super close sila ni Moira nung mga panahong nagsisimula pa lamang ang career nito. Iisa lang kasi ang management nila, ang Cornerstone.



“Sobrang close kami before, and I guess people wanted to connect our closeness to may nangyari sa amin.”

Sa ngayon daw ay hindi na sila close o magkaibigan ni Moira. Ayaw na nga lang sabihin ng singer-actor ang dahilan.

Kinuha naman ang reaction ni Sam sa pag-iyak ni Catriona nang manood ito ng concert ni TJ Monterde. Nung kinakanta na ni TJ ang sikat nitong kanta, doon na naiyak si Cat.

Sinasabi ng iba na ang dahilan ay naalala raw siguro ni Cat ang break-up nila ni Sam.

Reaksyon ni Sam, “If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her. I know that we’re okay. Kahit after ng concert I said, I’ll go to the backstage. ‘coz we’re okay,” giit ng aktor.

***

SA mediacon ng pelikulang My Love Will Make You Disappear, tinanong ang magka-loveteam at mga bida ritong sina Kim Chiu at Paulo Avelino kung ini-expect ba nila na magiging close sila gaya ng pagiging close na nila ngayon?

Ayon kay Kim, hindi raw niya inaasahan na sa 18 years niya sa showbiz industry ay magkakatrabaho sila ni Paulo. Pero halos sabay daw silang nagsimula sa kanilang karera.

Si Paulo ay nagsimula sa Startsruck while si Kim naman ay tinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother.

Dagdag pa ni Kim, noon daw ay hindi niya alam kung paano kakausapin si Paulo dahil sa sobrang tahimik nito.

Nakatayo lang daw sa isang tabi at titingin lamang ito sa kanya. Pero dahil 3 projects na ang pinagsamahan nila at iba’t ibang intensity ay naging close na rin sila.

Kinilig naman ang mga faney sa biro ni Kim na pinapanood daw niya ang aktor sa nasabing reality show at binoto pa niya.

Sagot naman ni Paulo, never din daw niya in-expect na makaka-work si Kim.

Sey niya, ” I wanted to work with her. After awhile iba na rin yung tahak ng mga gusto kong gawin sa career ko pero diko alam na kay Kim pala ang bagsak ko.”

Na- speechless naman si Kim sa sinabing ito ng aktor.

Ang My Love Will Make You Disappear ay ipapalabas na sa March 26.