Advertisers

Advertisers

HUHUSGA ANG NAHUSGAHAN

0 3,449

Advertisers

Sa pagsang-ayon ng 240 na kinatawang bayan mula sa malawak na kapulungan, walang pupuntahan ang pagmamarakulyo ni Keso sa inihaing pagpapasipa kay Inday Siba kung hindi ang harapin at maging isang husgado ang bugok na kapulungan. Walang dahilan ang bugok na kapulungan na iantala ang pagdinig sa kadahilanang nasa bakasyon ang mga senador at sa susunod na pagbubukas gagawin ang pagdinig sa reklamong inihain laban sa abalang pangulo. Ayon sa eksperto at batay sa saligang batas, kailangan ang kagyat na pagkilos sa reklamo hinain sa tahanan ng bugok na kapulungan. Hindi usapin ang kung sino ang lilitisin ang kailanga’y masunod ang proseso ng may kabilisan bilang paggalang sa titik ng saligang batas ng 1987.

Sa totoo lang, hindi kailangan pagmarakulyo ni Keso dahil ang balikan ang nakaraang kaganapan sa pagpapasipa sa dating Pangulong Erap ang mainam na basehan ng mabilis na paggalaw sa reklamong nakahain sa bugok na kapulungan. Hindi kailangan patagalin ang usapin higit kung ang dahila’y ang nalalapit na halalan ng kalahati o ng ilang senador na magtatapos ang termino ng pagseserbisyo. Sa katunayan magandang behikulo ang magaganap na pagdinig sa muling pagpapahalal bilang kinatawang bayan sa bugok na kapulungan. Ang maayos na paggalaw o kilos bilang huhusga ang sisilipin o masisilip ng manghahalal ng masabi ang pagiging tama ang gagawing pagboto sa mga nagbabalak makabalik sa pwestong tangan. O’ ayaw pa ba?

Sa totoo lang, magandang behikulo ang pagdinig sa pagpapasipa kay Inday Siba, na malamang na may TV, radio, diaryo at social media na magdadala ng balita sa taong bayan. Sa pagdadala malalaman ng bayan ang karapat dapat na muling mahalal sa pwestong inaasam higit ang mga ibig muling mahalal bilang senador. Walang dapat ipangamba ang sino man sa mga huhusga higit kung nakasalig sa katotohanan ang kilos na gagawin. Mababatid ng bayan ang tunay na tindig ng mga huhusga sa usapin higit ang nagpapahalaga sa salaping bayan. Ang masilip ng bayan ang tindig na ‘di na-iimpluwensiyahan ng sino at may respeto sa titik ng saligang batas ang batayang gagamitin sa muling pag-sang ayon ng isa pang termino sa mga tatayong husgado sa pagdinig.



Maselan ang bayan sa pasyang gagawin sa halalan higit sa mga husgado na bitbit ang kagalingan ng bayan sa pasyang gagawin. Hindi kailangan na ayunan ang inihaing reklamo laban sa abalang pangulo subalit ang pagdala sa sarili sa gagawing pagdinig ang higit na sisilipin ng bayan upang masabing karapat dapat na muling mahalal sa kapulungan kinakatawan. Walang pagdududa na malawak ang maaabot ng saklaw ng mga nagpapaabot sa Pinoy at ang masigurong tama ang kilos ang inaasahan sa bawat isa sa pagdinig na gagawin. Sa mga taga-usig, magtatangol at sa mga huhusga ayusin ang kilos sa panahon ng pag-uusig. Ang bayan ang huhusga ng tama na magdadala sa bansa sa susunod na kabanata ng kagitingan o kawalang pag-asa, higit sa halalan.

Sa kasamaang palad, ‘di makita ni Mang Juan na magiging patas ang mga huhusga sa pagpapasipa kay Inday Siba sa kabila ng malawak na pagsang ayon ng mga kinatawang bayan mula sa Kamara. Ang pagdadalawang isip ni Keso ng mabilisang pagdinig ang kilos na ‘di inaasahan higit mula sa isang abogado na pangulo ng senado. Ang mga kesyo dahilan ang malinaw na may pagkiling na magaganap sa pagdinig sa hanay ng mga huhusga. Sa totoo lang, galawang politika ang paghahain ng reklamo sa abalang pangulo ngunit ang didingin ang interes ng bayan kung paano at saan nagamit ang salaping bayan na unang nabatid ng COA na may sala sa paggamit.

Ang paghahain ng pagpapasipa sa abalang pangulo ang unang hakbang sa pagbibigay hustisya sa salang paggamit sa salaping bayan. Sa kawalan ng tuwirang pagdinig sa salang gawa ng mga namumuno ng bayan, kailangang dumaan sa proseso ng pagpapasipa ang hakbang na nakasaad sa saligang batas na sinusunod ng mga naghain. Ang pagdinig sa senado na kung may sala o wala ang inakusahan ang susunod na hakbang na dapat ipatupad ng bugok na kapulungan. At panghuli, ang malitis sa karaniwang hapag ng hukuman ang may sala ang hakbang na susuungin ng kung sinong butangera. Sa bahaging banggit, ang magpapasya kung maikukulong o mapawalang sala ang inakusahan. At malamang na mahuhusgahan ng pagsang ayon sa batay sa pagkakatangal sa pwestong tangan.

Sa kabilang banda, inaasahan ang paghahanda ng dalawang kapulungan sa magaganap na pagdinig, bilang taga-usig ang malawak na kapulungan at ang huhusga ang bugok na kapulungan. Sa paghahanda, masasabing maselan ang gagawin ng una dahil kailangan kumalap ng karagdagang dokumento na magpapakita na tama ang pasya sa paghahain ng reklamo sa abalang pangulo. Ang mapatunayan na may sala ang sino mang paghahainan ng reklamo ang layon ng malawak na kapulungan tulad ng naganap sa nakaraan. Samantala, inaasahan ang parehong kilos o higit sa mga huhusga nang mabatid ang kaayusan ng mga dokumentong inihain sa pagpapasipa sa abalang pangulo. Matrabaho ang magaganap na pagdinig subalit iyan ang espiritu ng demokrasya sa ating Lipunan.

Sa totoo lang, nakakalungkot na sa kasalukuyang mga huhusga mula sa senado’y may kakulangan sa pag-unawa sa tatahaking pagdinig. Ang pagdinig na karaniwang kinabibilangan ng may kabatiran sa batas ang ‘di magaganap sa kasalukuyang senado na karaniwan iba ang natapos o propesyong kinasanayan. Umasang walang balitaktakan o malalim na katanungan na nagaganap sa panig ng mga huhusga. Sa halip ang balitaktakan ng abogadong nagdedepensa at ang mga nag-usisa ang naririnig na pagbabasehan ng pagpapasya ng mga huhusga. Sa takbo ng magaganap na pagdinig, ang tinig ng ilang senador na abogado ang inaasahan maririnig at aayunan o sasakyan ng ibang kasamang huhusga.



Sa totoo lang, mabigat ang takbuhin ng mga nag-uusisa o naghain dahil sa ‘di pa man nagsisimula ang pagdinig silip ang pagkiling ng bugok na kapulungan sa ipinasisipa. Sa lakad pagong na ginagawa ni Keso hayun tila binigyan ng panahon ang kampo ni Inday Siba upang magpasagip sa Mataas na Hukuman sa bansa. Malinaw na sinasadya ang pagpapaantala ng pagdinig, sa magkano o posisyon sa susunod na panahon. At ang higit na masakit huhusga ang ilang nahusgahan na may katulad na sala sa pagdinig na isasagawa. Makakamit ba ni Mang Juan ang patas na paghuhusga sa mga dating nahusgahan sa parehong usapin?

Maraming Salamat po!!!!