Advertisers
BINIRA nitong Lunes ng bagong talagang press officer ng Palasyo, si Undersecretary Claire Castro, si dating Pangulo Rodrigo Duterte. Inakusahan niya si Digong na tumatahi ng mga tsismis at nagtatanim ng ebidensiya.
Tinanong kasi si Castro ng Palace reporters hinggil sa kanyang reaksyon sa mga sinabi ni Digong na ang kanyang successor, President Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., ay hindi bababa sa kapangyarihan kahit magtapos ang termino ng huli sa 2028.
Sinabi ni Castro, ano ang ebidensiya ni Digong para sabihin ito?, idiniin na si Digong ay mismong nagsabi na eksperto ito sa paggawa ng mga intriga.
”Ang una kong sinabi diyan noon, anong ebidensya, paano mapapatunayan? Tatlo lang ang sinabi ko hindi tayo puwedeng maniwala sa mga pang-iintriga lamang na walang ebidensya at ito naman siguro eh natatandaan ninyo na noong panahon ni dating Pangulong Duterte, inamin niya, fiscal pa lang siya, expert na siya sa pang-intriga at pagplanta ng ebidensya,” sabi ni Castro.
Inihalimbawa ni Castro ang ginawa ni Digong kay ex-Seator Liela De Lima: ”Siguro naman napatunayan na natin ‘yan sa panahon ni senator Leila de Lima, so ano pa ba ang ating ie-expect sa dating Pangulong Duterte? Gumawa ng intriga, magplanta ng ebidensya.”
Sabi pa ni Castro, gusto ng mga Duterte na makabalik sa Malakanyang. ”So alam na natin kung saan ang punta nila, gusto nila ulit makuha ang power, ang authority, ang position.”
Kamakailan, sinabi ni Digong na plano ni Marcos magdeklara ng martial law tulad ng ginawa ng kanyang yumaong ama, former President Ferdinand Marcos Sr., para raw matityak na hindi magkaroon ng eleksyon at mapalawig ang pananatili ni PBBM sa Malakanyang.
Sinabi pa ni Digong na gusto nang tanggalin ng kanyang mga kalaban sa politika ang kanyang anak, Vice President Sara Duterte, dahil sa planong pagtakbo anak sa 2028.
Pinabulaanan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga sinabi ni Digong. Sinabing isa lamang itong “tall tell” mula sa isang “tyrant who did not respect the rights of the people.”
Sabi ni Bersamin, isa na namang “budol” o panlilinlang “emerging from a one-man fake-news factory.”
Hindi rin nagustuhan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mga sinabing ito ni Digong, sinabing hindi lamang ito inconsistent kundi irrational at walang katotohanan
“When their accusation that PBBM was a weak leader who was not in control did not fly, now they are accusing him of the exact opposite and now supposedly has dictatorial tendencies. It is not only inconsistent but also irrational and untrue,” say ng Senate President.
“He added that he has known the President for over a decade and have had the privilege of working closely with him for nearly a year now, and I can say with certainty that I do not subsrcribe to FPRRD’s statement because I simply do not see it and cannot infer nor believe it from PBBM’s attitude, outlook and work ethic.”
Sa kabilang banda, sinabi ni Escudero na hindi siya interesado maging Bise Presidente kapag na-impeach si VP Sara.
Ayon sa ating Saligang Batas, ang Senate President ang papalit sa Bise Presidente kapag naalis ito sa puwesto.
Binabatikos ngayon ng marami si Escudero dahil sa ‘di pag-aksyon sa impeachment na iniakyat na sa kanila ng Kamara.
Subaybayan!