Advertisers

Advertisers

Umuupa muna ng bahay… Sarah at Matteo nag-iipon pa para sa dream house, Zanjoe dinenay na nabuntis si Angelica

0 242

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA YouTube channel ni Zanjoe Marudo ay umalma ito sa nagkalat na tsika na nabuntis niya raw si Angelica Panganiban.

Wala nga raw katorohanan ang mga nagkalat na tsismis.



Siguro nakikita lang lagi na magkasama sina Zanjoe at Angelica kaya sa socmed nito ay walang stories na hindi magkasama ang dalawa.

Very  close daw sila na magkaibigan lalo na’t magkasama pa sila sa seryeng Walang Hanggang Paalam kasama si Paulo Avelino.

Siguro inisip ng netizens na sila dahil sa sobrang lapit nila bilang magkaibigan.

Kaya mariing itinanggi ni Zanjoe na binuntis niya ang friend na si Angge.

Biro pa ng aktor, sana nga raw ay totoo na lang pero malabo anya mangyari dahil matalik nitong kaibigan ang aktres.



***

SA vlog ng celebrity doctor na si Viki Belo, inihayag nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nag-iipon pa sila para sa kanilang dream house.

Dream house naman kasi nina Sarah at Matteo ay may outdoor o garden. Mura lang naman daw ang upa ng celebrity couple sa inuupahan nilang bahay.

Nagustuhan naman daw ni Sarah ang kanilang nirerentahang bahay dahil may garden.

Ganun din daw ang gustong gawin nina Sarah at Matteo sa kanilang dream house na may garden.

Napakalaki naman daw ng 4-bedroom na inuupahan nina Sarah at Matteo para sa kanilang dalawa.

At ayon sa netizens, doon na mag-start bumuo ng own family sina Sarah at Matteo.

Mag-iipon muna nga raw ang couple para sa kanilang dream house.

Ibinuking naman ni Dra. Belo na matipid ang mag-asawa kaya madali raw makapag-iipon ang mga ito para sa kanilang dream house.

Well, well, well…’Yun nn!