Advertisers

Advertisers

Mayor Honey,, pinuri ang accreditation ng COMELEC sa Asenso Manileño

0 22

Advertisers

ANG desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na mapabilang ang Asenso Manileno na isa 14 na lokal na partido na accredited bilang dominant majority party para sa 2025 midterm polls ay pinuri ng partido sa pangunguna mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna bilang pangulo nito.

“All of us on the Asenso Manileño slate for the May 2025 elections are joyful and proud of being accredited once more by the Commission on Elections.The enduring strength of Asenso Manileño as the ruling local political party here in Manila is proof of our collective commitment to community-oriented genuine public service,” sabi ni Lacuna sa isang pahayag.

Idinagdag pa niya na:”We are the exact opposite of the personality cult centered around the former mayor. Hindi kami kulto. We are not the choice of merely one person. Manileños chose us.”



Ayon pa kay Lacuna, ang Asenso Manileño ay tumitindig sa kanilang prinsipyo na: ‘because we represent our constituents.’

Binigyang diin ng alkalde na sila na nangungunang partido ay naniniwala sa public service bilang inclusivs, transparent and accountable—na inuuna ang tunay na solusyon kaysa sa dramang pulitika o ‘pakulo.’

Tiniyak din ng alkalde na ang kanyang administrasyon ay pinapatakbo ng mandato ng mamamayan at ‘di ng personal ambisyin, at binigyang diin na ang kanyang pamamalakad ay nagtataguyod ng good governance, honesty and fairness, na tinitiyak na ang lahat ng programa at proyekto ay direktang makikinabang ang mga Manileño.

“We are not puppets of a has-been celebrity or a political cult. All Asenso Manileño bets are servants of the people. Our commitment is clear: Serbisyong diretso sa tao – Tapat at Totoo! ,” deklara ng lady mayor.

Bago ito, dineklara ng Comelec ang Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD) sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang Pangulo ng dominant majority party sa 2025 National and Local Elections (NLE).



Nitong Agosto nang nakaraang taon, si Lacuna ay pinanumpa mismo sa partido ni Romualdez.

Lima sa anim na congressmen, na sina Rep. Joel R. Chua, Rep. Bienvenido Abante, Jr, Rep. Rolando Valeriano, Rep. Irwin Tieng at Rep. Edward Maceda, ay tumayong saksi kasama ni Vice Mayor Yul Servo, habang nanunumpa si Lacuna bilang pinakabagong Lakas member kung saan si Romualdez mismo ang siyang nagpanumpa sa alkalde sa kanyang kapasidad bilang Lakas President.

Naroon din sa simpleng seremonya sa Social Hall ng Speaker’s Office sa House of Representatives ang mga Asenso Manileño councilors.

Sinabi ni Lacuna na sumapi siya sa “because its party principles and platform are aligned with mine and will ultimately be most gainful for all Manileños.”

Sa kanyang bahagi, mainit na sinalubong ni Romualdez si Lacuna sa Lakas-CMD, at sinabing ikinararangal ng partido na maging bahagi si Lacuna at ipinahayag na ang lady mayor
“would provide significant contributions in upholding the principles and objectives of Lakas-CMD, reinforcing the party’s dedication to serving the Filipino people.”

Binanggit din ni Romualdez ang liderato, karanasan at katapatan ni Lacuna sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan at ito aniya ay… “greatly enhance our collective efforts to support the Agenda for Prosperity of President Ferdinand R. Marcos, Jr. and his vision for ‘Bagong Pilipinas.’

SI Lacuna ay gumawa ng kasaysayan bilang first woman mayor ng city of Manila noong 2022, kung saan nanalo ito nang may napakalaking agwat sa kanyang katunggali na nabibilang sa isang malaking pulitikal na angkan sa lungsod.

Pinangunahan din ni Lacuna ang Asenso Manileño sa clean sweep na panalo nito sa lahat ng elective seats mula mayor, vice mayor, Congressmen at city councilors noong 2022 polls. (ANDI GARCIA)