Advertisers

Advertisers

Sanya binisto, natakot sa mga mata ni Nora

0 346

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG hamon sa kanya bilang isang artista ang makatrabaho at makaeksena ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, ayon mismo kay Sanya Lopez.

Magkasama sina Sanya at Nora sa Isa Pang Bahaghari na kasama rin ang mga veteran actors na sina Philip Salvador at Michael de Mesa.



“Working with Ms. Nora Aunor, and lahat sila, talagang sobrang chalenging for me, kasi talagang mahuhusay sila.

“Tapos parang kada magkakaroon kami ng eksena parang yung feeling na kinakabahan ako pero kailangan kong kontrolin.

“Siguro normal naman na kabahan tayo pero ayun, pinipilit mo na ayusin yung bawat eksena para lang talagang kahit paano ay magkonek kayong dalawa bilang family.

“Okay naman, sobrang gagaling nila talaga.

“Nakakatakot yung mga mata ni Ms. Nora Aunor, sobrang ano e, parang lalamunin ka kapag umaarte na sa harap mo,” bulalas ni Sanya.



Unang beses daw na nakatrabaho ni Sanya ang mga nabanggit na artista.

Samantala, dahil hindi naipakilala nang personal ni Maris Racal kay ate Guy ang ina ni Maris na isang solid Noranian habang nagsu-shooting sina Maris at Ate Guy ng Isa Pang Bahaghari, ipinagdarasal ni Maris na sana ay magkaroon ng part 2 ang pelikula nila at gagawan na raw niya ng paraan na makaharap nang personal ng ina niya ang Superstar!

Gumaganap si Maris bilang young Nora sa Isa Pang Bahaghari.

Mula sa Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, mapapanood ang Isa Pang Bahaghari online sa buong mundo simula December 25 via upstream.ph.

Samantala, bukod sa Superstar na si Ms. Nora Aunor, nag-iisang Kapuso artist si Sanya Lopez sa cast ng Isa Pang Bahaghari; puro Kapamilya ang iba pang nasa cast ng naturang pelikula ni Joel Lamangan na sina Maris, Zanjoe Marudo, Albie Casino at Joseph Marco, at maging sina Phillip at Michael.

Kaya tinanong namin si Sanya kung kumusta ang pakiramdam at ang sitwasyon na puro Kapamilya stars ang kasama niya sa Isa Pang Bahaghari.

“Actually, nung una, nahiya ako kasi nga parang ako lang ang Kapuso bukod kay Ms. Nora,” at natawa si Sanya.

“Na iniisip ko, ‘Ano kaya ang feeling na makatrabaho ang mga Kapamilya?’

“Okay naman po, sobrang na-excite ako at the same time tsaka ano naman sila, approachable naman silang lahat and thankful ako sa kanila kasi mababait silang lahat.

“So happy naman ako to work with them and hopefuly soon, magkaroon ulit ng trabaho kasama sila.

Bilang Kapuso artist, pagbibidahan ni Sanya ang First Yaya at ang Superstar naman ay bida sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

***

TUNGHAYAN sa panibagong kuwento ng Magpakailanman ngayong Sabado, 8:15 ng gabi, ang tungkol sa tinaguriang Palengke Queen na si Minda Nacario, isang single mother na itinaguyod ang kanyang mga anak sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pagbebenta sa isang mobile palengke.

Pinamagatang The Minda Nacario Story: Palengke Queen Ng Quarantine, tampok dito si LJ Reyes at sina Ervic Vijandre, Faith Da Silva, Mark Dionisio, Tess Bomb, at Ginger Ale, sa direksyon ni Mark dela Cruz.

May hashtag na #MPKPalengkeQueen, ito ay sa panuat ni Tina Samson Velasco at sa pananaliksik ni Rodney Junio, mula sa GMA.