Advertisers

Advertisers

Dismissal sa mga criminal, administrative complaints vs mga pulis ipinasisilip sa Kamara

0 196

Advertisers

IKINABAHALA ng isang kongresista ang dismissal ng mga criminal at administrative complaints laban sa mga pulis sa nakalipas na 10 taon.
Sinabi ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, karamihan sa mga reklamong ito ay nagbunsod sa kakulangan nang ebidensya.
Inihalimbawa rito ni Fortun ang mga kaso noong nakaraang taon laban kay Police Master Sergeant Jonel Nuezca,  ang suspek sa pamamaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noon namang Disyembre 20, 2020.
Sinabi ni Fortun na hindi basta ipagkibit balikat ng Kongreso ang mga karumaldumal na krimen na kinasasangkutan ng mga pulis.
Ayon kay Fortun, maaring maglunsad ng motu propio investigation ang House Committee on Justice at Committee on Public Order and Safety para silipin ang criminal at administrative complaints laban sa mga pulis sa nakalipas na 10 taon.
Marami aniyang mga pulis ang matitino pa rin, na hindi dapat madamay sa pagkakasala ng iba.
Sakali mang matuloy ang imbestigasyon na ito, inirekomenda ni Fortun na matalakay ang personnel selction, screening at disciplinary process, pati rin ang financial transaction ng National Police Commission, PNP Academy, Philippine Public Safety College, ng PNP directorates, provincial offices, at police districts.