Advertisers
MULING nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,406 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Sabado, Disyembre 26.
Samantala ay mayroon namang naitalang 266 na gumaling at 5 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.2% (28,883) ang aktibong kaso, 91.9% (431,055) na ang gumaling, at 1.93% (9,067) ang namatay.
Ang Bulacan na pangalawa kahapon at naungusan ang Quezon City sa Top 5 na syudad at probinsya na may mataas na naitalang kaso ay siya namang nanguna ngayong araw na may 100 kaso.
Ang Quezon City ay nakapagtala naman ng 98 kaso.
Habang ang Rizal ay mayroong 88 na kaso, 73 sa Laguna at 69 sa Batangas. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)