Advertisers

Advertisers

Alden napikon sa bashers kaya rumesbak

0 27

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PAGKATAPOS ng kanyang “mind your own business” post noon, na talaga namang pinag-usapan ng mga netizens, na tila patama sa mga bashers, may bagong cryptic post na si Alden Richards.

Sa kanyang X social media account.



Sey niya: “No need to comment on my journey; just enjoy your own.”

Kaya nabuhay na naman ang comment section at nagbigay ng kani-kanilang reaksyon nang maibahagi sa ibang showbiz portal ang naturang post ng aktor.

Hirit nila, tila napikon na naman daw si Alden.

Naging malaking isyu kasi sa ibang netizen ang pagtigil daw ni Alden sa panliligaw kay Kathryn Bernardo dahil sa pagkakaugnay nito kay Mayor Marc Arcala ng Lucena City.

Kahit hindi nagsasalita ang aktor tungkol dito, may nasasabi at nasasabi pa rin ang kaniyang mga bashers.



Kaya naman suspetsa nila na ang mga post ni Alden ay patama sa mga pakialamera.

May mga nagtatanggol naman sa aktor na anila ay masikreto lamang daw ito.

Wala rin daw obligasyon ito para i-report kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Kath.

***

SPEAKING of Kathryn, malaking bahagi pala ito sa pagkakasama ng komedyanang si Eugene Domingo bilang isa sa mga hurado ng Pilipinas Got Talent season 7 na magsisimula na.

Ayon kay Eugene, si Kathryn daw ang nag-suggest sa mga bossing ng ABS-CBN na kunin siya.

Kuwento ni Uge,”Gusto ko lang i-share sa inyo na I’m not here kung hindi nag-suggest si Kathryn na isama ako. So, I think that’s worth noting. Please note that.”

Una nang nagpasalamat si Eugene kay Vice Ganda sa pagkakasama naman niya sa pelikulang And The Breadwinner is last Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Uge, napatanong daw siya kung anong magandang proyekto ang susunod na gagawin niya.

“This show landed on my lap and I just said I think this is the best show. I mean, this is the most entertaining show,” sey pa ng komedyana

Sabi naman ni Kathryn bilang first-timer judge sa PGT, iba pa rin daw yung kampante siya kapag nandiyan si Eugene dahil nga first time niyang maging judge.