Advertisers

Advertisers

HR MANAGER, NAHULIHAN NG APAT NA BALA SA MCIA

0 57

Advertisers

INARESTO ng mga tauhan ng PNP- Aviation Security Group ang isang babaeng pasahero na naantala ang pag-alis matapos pigilan ng mga awtoridad dahil sa nadiskubreng apat na bala mula sa kanyang bagahe sa Mactan-Cebu International Airport , napag-alaman sa ulat kahapon.

Sa final screening checkpoint, nakita ng mga tauhan mula sa Office for Transportation Security (OTS) ang isang imahe na kahawig ng mga bala sa loob ng isang dilaw na backpack.

Sa isinagawang inspeksyon ng mga opisyal ng Mactan-Cebu International Airport Police Station (MCIAPS) ay natuklasan ang apat na bala ng baril.



Ang bag ay kabilang sa dala ng isang 47-anyos na HR manager at residente ng Lapu-Lapu City na papasakay sa kanyang flight patungong Tacloban.

Nabigo umano magpakita ng mga dokumento na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng mga bala, na humahantong sa kanyang agarang pag -aresto ng mga tauhan ng PNP Avsegroup.

Ayon sa Avsegroup, mahaharap ang pasahero sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Comelec Gun Ban.

Tiniyak ni PNP- AVSEGROUP Director PBGen Christopher M Abecia ang kanilang pangako sa publiko, ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad sa aviation para sa kaligtasan ng mga manlalakbay. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">