Advertisers

Advertisers

First anniversary show ng Magic Voyz, super patok!

0 12

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

SUCCESSFUL ang idinaos na first anniversary show/concert ng boy group na Magic Voyz sa Viva Cafe Linggo ng gabi.

Maraming special guests ang grupo na nagtanghal.



Punung-puno ang venue ng mga tagahanga ng Magic Voyz na mina-manage ni Lito de Guzman at ng Viva.

Pinaghandaan talaga ng grupo ang kanilang unang anibersaryo at nagprepara sila ng mga awitin at sayaw para ipakita ang kanilang talento sa madla.

Ang mga bumubuo ng Magic Voyz ay sina Jhon Mark Marcia, ang bagong miyembro na si Jorge Guda, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane na composer ng lahat ng kanilang kanta at Asher Bobis.

Iba’t ibang kanta ang idineliber ng grupo na bentang-benta sa kanilang fans na pumuno ng Viva Cafe.

Inawit din nila ang songs nilang Wag Mo Akong Titigan at Bintana under Viva Records at LDG Production.



Malapit na ring ilabas ang bagong awit nila na Tampo na tiyak na magpapakilig na naman sa lahat ng mga tagasuporta nila.

Wala ka talaga masasabi sa Magic Voyz na talagang pinaghandaan ang kanilang anniversary concert.

Sa darating na June ngayong taon ay target na ng grupo na mag-perform sa Music Museum at base sa mga dumating na fans nila kamakalawa ng gabi, no doubt, sold out din sila sa MM.

Para sa ibang gustong kuhanin ang serbisyo ng mga talentadong Magic Voyz, pwede silang kontakin sa kanilang page, 09178403522 at sa Viva Agency.