Advertisers

Advertisers

Big Mak alias Tanos!

0 5

Advertisers

Si Tanos ng Batang Quiapo ay si Mark Andaya ang produkto ng Letran na ilan din taong nagdribol sa PBA.

Alam nyo bang anak siya ng isang Spanish professor ng Adamson U. Una nag-aral ang 6-7 na cager sa Rafael Palma Elementary School. Doon naging patnugot siya ng school organ at miyembro ng rondalla. Sa eskwelahan din ito ay nanalo siya ng mga drawing contest.

Na-draft sya sa PBA taong 2006 ng TNT.



Pagkatapos ng career niya sa basketbol ay nag-showbi nq.

Ngayon bukod sa papel niya sa BQ ay may negosyo pa siya. Isang Regasco dealership sa Rosario Cavite.

Hindi man mapabilang sa Top 50 ng PBA si Big Mak ay mas bantog naman siya sa iba dahil sa papel niya sa numero unong teleserye sa bansa

***

Taong 2001 nang huling magkampeon ang UST Tiger Cubs sa junior division ng UAAP. Tapos nito na lang season naganap muli.



Panahon pa iyon nina MVP Jun Cortez, Japs Cuan at Anthony Espiritu. Coach si Bernie David at assistant si Allan Ascue.

Bilang bonus sa koponan ay nagliwaliw sila sa Hongkong noon.

Pagkatapos ng dalawang dosenang taon ay sina team captain Koji Buenaflor, Finals MVP Racine Cane na mula pa sa Senegal ang mga bagong bida. Head coach si Manu Inigo na galing Letran.

Nandoon sa game ang mga seniors’ coach gaya nina Tab Baldwin ng Ateneo at Goldwyn Monteverde ng UP upang mag-scout ng mga player na posible nilang kunin.

***

Gaya ng prediksyon natin ay umabot ng Game 7 ang PBA Finale sa sagupaang TNT at GSM.

Deserving naman kahit sino nanalo sa dalawa. Ang Ginebra ay naglaro pa rin si Justine Brownlee kahit may thumb injury. Ang Tropang Giga naman may mga internal squabble sa pagitan ng coach at ilang player.

Overtime pa nga ang huling laban. Pwede ngayong maka-grandslam sina Chot Reyez kung magwagi pa rin sa huling conference ng season.