Advertisers

Advertisers

Black Nazarene patanaw

0 322

Advertisers

INILABAS na ang imahe ng Black Nazarene sa balkonahe ng Quiapo Church upang bigyang pagkakataon ang mga deboto para sa mahabang “pagpupugay” o “patanaw” .
Ayon kay Quiapo Church Rector, Monsignor Hernando Coronel, ang patanaw ay isasagawa dahil wala nang magaganap na “pahalik” para sa Traslacion 2021. Bilang pag-iingat narin ito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Tradisyon nang isinasagawa ang aktibidad para sa pahalik sa Quirino Grandstand tuwing Traslacion bilang bahagi ng Kapistahan ng Quiapo tuwing Enero 9.
Milyon-milyong deboto ang nakikilahok sa nasabing pagdiriwang kaya minabuti ng pamunuan ng Simbahan maging ang lokal na pamahalaang lungsod na ikansela muna ang tradisyon ng pagdiriwang at mga aktibidad. (Jocelyn Domenden)