Advertisers

Advertisers

Beybi itinapon sa dumpsite, natagpuan ng aso

0 296

Advertisers

SA tulong ng isang aso, isang sanggol ang natagpuan sa dumpsite sa Sibonga, Cebu nitong bisperas ng Pasko.
Ayon sa Sibonga Police, natagpuan ng motorcycle rider na si Junrell Revilla ang sanggol sa dumpsite sa Barangay Magcagong.
Isang itim na aso raw ang tumatahol at tila tinatawag si Revilla nang siya ay napadaan.Nagpasiya si Revilla na sundan ang aso na tila ginagabayan siya patungo sa kinaroroonan ng sanggol. Doon ay natagpuan niya ang bagong panganak na sanggol na nakabalot sa brown na tuwalya. Ang placenta naman ay nakita sa loob ng isang itim na plastic bag.
Agad dinala sa ospital ang sanggol para masuri. Nasa pangangalaga na ng Sibonga Municipal Social Welfare and Development Office ang sanggol.