Advertisers
PINATATAHIMIK na ng lead counsel ni dating Pangulo “Digong” Duterte ang Duterte diehard supporters (DDS) at bayarang vloggers na nagkakalat ng mga fake news dahil lalo lamang nadidiin sa kaso sa International Criminal Court (ICC) ang kanilang ipinaglalaban.
Sa kanyang latest interview, hinihikayat ni Nicholas Kaufman, ang lead counsel ni Digong, na respetuhin ang ICC process.
Masyado na kasing foul ang pinagagawa ng DDS. Akala yata nila ay nasa korte lang ng Pilipinas nakakulong ang “Diyos” nilang si Digong na kayang kaya nilang baboyin at pasukuin. Nope! Nasa The Hague, Netherlands ang ICC na binubuo ng international judges na parehas sa paglilitis, ipinatutupad kung ano ang batas ng international court unlike sa Pilipinas na kung sino ang mayaman at may impluwensiya ay siyang napapaboran. Mismo!
Narito ang sabi ni Atty. Kaufman: “The [Duterte] family wants me to convey a message that the judicial process must be respected. There must be absolutely no interference with the independence of the court, with the judges, and all the parties. The victims’ counsel will make their submission in Court. Their right to make these submissions must be respected. So l ask everybody to bear that in mind, all the supporters who have demonstrated this huge expression of love, they should also bear that in mind as well.”
Yan ang paliwanag sa underlying message na gustong sabihin ni Atty. Kaufman sa supporters ni Digong:
Kaya huwag po kayong magulo. Huwag kayong pasaway. Kalmahan ninyo. Huwag kayong rally nang rally at magsabi ng kung anu-anong kahunghangan tungkol sa ICC.
Sobra na kasing nabastos at binaboy ng DDS ang Facebook page ng ICC. Mga tanga talaga, mga brainless zombies na kinuyog yung page ng international court, kungsaan ito’y labis na nakakaapekto sa kaso ng kanilang sinasambang si Digong.
Do not interfere daw sa independence of the court. Ibig sabihin, respetuhin ninyo dahil mismo ang abogado ni Duterte ang nagsabi na walang may hawak o may kapit sa ICC. Kumikilos at nagdedesisyon ang ICC base sa facts at ebidensiya. Hindi base sa pulitika. Mismo!
Sinasabi ni Kaufman na hindi kayo (DDS) nakakatulong para mapawalang-sala si Digong. Kayo pa ang dahilan na madiin siya at maging mahirap ang depensa niya.
Oo! Kung gusto ninyong makatulong kay Digong, manahimik kayo at hayaan ang hustisya na gumulong. Pero sino ba naman ang isang gaya namin na ilang beses na kayong pinagsabihan pero hindi kayo nakikinig?, animal!!!
Sinabi nang ‘wag iboto si BBM pero ‘di kayo nakinig. Now look where Duterte is? Sinabi nang mapapahamak kayo sa mga rally na yan sa ibang bansa. Pero rally pa more!!! So, kumusta naman yung nakakulong na mga kapwa niyo DDS sa Qatar? Hahaha…
Huwag nang pairalin pagka-maton, sanggano, o pagka-butangera, palaban at bastos!!! Dahil yang katangahan at katigasan ng ulo ninyo ang magpapahamak sa Digong nyo!!!
Nakakawindang to keep repeating this phrase sa inyo, pero kung malasin si Duterte at makulong for the rest of his life, kayo ang dapat sisihin…
Sabi ng abogado ng ICC, tatagal ng hanggang siyam na taon ang paglilitis sa kaso. At pag nahatulan ng guilty, pinakamababa ang 30 years kulong sa Netherlands. Si Duterte ay 80 anyos na ngayon. Masuwerte nang maiuwi pa ng buhay ang Diyos Digong n’yo. Hustisya para sa mga pinaslang sa Duterte admin.