Advertisers

Advertisers

Dra. Vicki naiyak sa mga umokray ng boobs

0 8

Advertisers

Ni Archie Liao

HINDI napigilan ni Dra. Vicki Belo na maluha pagkatapos niyang i-address ang mga batikos na natatanggap kaugnay umano ng kanyang di pantay na boobs sa isang TikTok video.

Nilinaw din niya na ang kanyang di pantay na boobs ay hindi gawang Belo dahil sumailalim siya noon sa breast surgery bilang isang cancer survivor.



“Baka you think my breasts were done in Belo, and it’s uneven, that’s so not true,” aniya. “I had breast cancer nine years ago, and my tumor was actually five cm. by seven cm. big on my left breast. They took out the tumor,” dugtong niya.

Sa clip, ibinahagi pa niya ang naging ordeal niya noong na-diagnose siyang may cancer noong 2016.

Aniya, ang operasyon daw para tanggalin ang kanyang tumor ay nangyari sa isang hospital sa New York.

“They put something in, I don’t even know what it is. I asked my doctor, he told me tissue, but it’s not silicone. It’s something much harder,” salaysay niya. “I also had stage three breast cancer, so they removed three lymph nodes, so that’s why my armpit is a bit deep on this side. I wanted to clear it up because I don’t want you to think that’s what happens to boobs in Belo,” pahabol niya.

Sa huling bahagi ng video, nakiusap naman siya sa netizens na maging responsable bago magbigay ng mga masasakit na komento.



“Please be kind na lang. I’m a cancer survivor,” she said. “I was a bit depressed in the beginning, but I didn’t let it affect my life. I love clothes. I love sleeveless clothes, so I still wear them,” ani Dra. Vicki.

Gayunpaman, sa kabila raw ng kanyang naging kalagayan ay hindi siya nangingilag na pag-usapan ang kanyang naging kundisyon.

“I was never comfortable talking about my cancer, but I’m feeling extremely grateful — here’s to 7 years being cancer-free,” pagtatapos niya.

Sa ngayon ay cancer-free na ang tinaguriang dermatologist of the stars.