Advertisers

Advertisers

Mr. Gay World Wilbert Tolentino nakipag-collab kay Raffy Tulfo

0 362

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SUPORTADO ni Raffy Tulfo ang pamosong businessman and former Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino.

Meron silang collab na inaabangan na. Potensyal   na makahabol ang Wilbert Tolentino VLOGS  sa dami ng subscribers nina Raffy Tulfo, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.



Wala pang  dalawang buwan pero almost 300,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS  sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.

Tiyak na darami pa ‘yan pag pinalabas na ang  pagsasama nila ni Raffy.

Samantala, namahagi rin si Wilbert nu’ng December 24 sa kanyang mga kafreshness subscriber sa YouTube for Noche Bola Raffle Bonanza.

Ang mga premyo  ay 1 unit YAMAHA NMAX 155cc.,one Winner for 100,000 php CASH, two Winners for 50,000 php CASH, 3 units IPHONE 12 PROMAX 512GB, 2 units IPHONE 12 PROMAX 256GB, 500 Subscribers for 500 GCASH, 500 Subscribers for 400 GCASH, 500 Subscribers for 300 GCASH at 500 Subscribers for 200 GCASH.

Generous talaga si Sir Wil  at maraming napasaya nu’ng kapaskuhan.



“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” lahad  niya.

“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy  na pagtulong  sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng  bagyo at kalamidad. Ganoon din  sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” deklara pa ni Sir Wil.

Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bars ( Apollo, Club 690, Farenheit).

May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.

Mago-organize siya ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021.